Advertisers

Advertisers

CRIMINOLOGY STUDE PATAY SA PAMAMARIL

0 29

Advertisers

Patay ang isang criminology student nang pagbabarilin ng malapitan sa tapat ng isang tindahan sa Brgy. Quinabigan sa Pinamalayan, Oriental Mindoro, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jayvie Boy Bullos, 22-anyos, residente ng Sitio Loob, Brgy.Quinabigan.

Naitakbo pa ang biktima sa Oriental Mindoro Central District Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon kay PLTCol. Joel Paningbatan, hepe ng Pinamalayan Municipal Police Station, nangyari ang krimen 8:30 ng gabi.

Nilapitan umano ang biktima ng suspek saka binaril gamit ang kalibre 45.

Nakilala ang salarin na si Gregorio Mejico, 22-anyos na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay Paningbatan, ang biktima ay nahaharap umano sa kasong panggagahasa sa pamangkin ng suspek.

May bibilhin lamang umano sa tindahan ang biktima ng lapitan ito ng salarin at pagbabarilin.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga otoridad sa salarin. (RONALD BULA)