Advertisers

Advertisers

Sharks Billiards Association inilabas ang 2025 schedule

0 19

Advertisers

INILABAS ng Sharks Billiards Association (SBA), ang kauna-unahang professional billiards league ng mundo, ang kanilang tournament schedule para sa first quarter ng 2025 Miyerkules.

SBA, na itinatag ni Hadley Mariano, ay ipagpatuloy na pataasin ang antas ng billiards na global mainstream sport na may apat na events, simula sa Executive League na gaganapin tuwing Linggo, simula sa huling Linggo ng Enero.

Sa Executive League, tampok ang eight teams (minimum of 5 at maximum of 7 players per team),para sa executives at professionals.



Susunod ay ang Philippine Open sa unang Linggo ng Marso, premier tournament para sa lahat ng billiards enthusiasts.

Ang event ay magsilbi ring scouting tournament, handog sa players para magkaroon ng tsansa na ipakita ang kanilang skills para mapansin ng teams.

Pagkatapos ng Philippine Open ay ang Draft Pick kung saan ang teams ay makapamili ng best talents, para sa isa na namang kapanapanabik na Season 2, na magbubukas sa Abril.

Natumbok ng Taguig Stallions ang Chino Trinidad Championship trophy matapos patalsikin ang Manila MSW Mavericks,3-2 sa best-of-5 title series nakaraang Disyembre. (JEFF VENANCIO)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">