Advertisers

Advertisers

Sa isyu sa kanila ni Barbie… “Fake news!”– John

0 12

Advertisers

Ni Beth Gelena

PINAWALANG katotohanan ni John Estrada ang pagkaka-link niya kay Barbie Imperial.
May isyung kumakalat ngayon sa social media hinggil sa dalawang personalidad.

Agad itong tinuldukan ng aktor na aniya’y hindi niya kilala personally ang aktres.



Si Barbie ay nali-link kay Richard Gutierrez.

Last year ay nakumpirmang nagde-date na ang dalawa at naging visible na rin sila sa social media na nagkakasama sa mga event, maging sa event ng family ng actor.

Recently, a rumor surfaced that Richard and Barbie’s relationship is in trouble.

Si John ang tinuturong alegasyon ng kanilang problema.

Idinenay na ni Barbie ang rumored romance sa kanila ng beteranong aktor.



Aniya, kahit daw nagkasama silang dalawa sa Batang Quiapo ay hindi naman daw sila nagkikita sa shootings.

Post ni John sa kanyang Instagram Stories, “Unang-una hindi ko alam kung Sino o Saan nagsimula ang kalokohan na to, na naglilink sa amin ni Barbie Imperial.

“Hindi ko po kilala si Barbie Imperial. Kilala ko siya bilang artista, pero hindi po sa personal na lebel. Sa talambuhay ko, minsan ko lang ho siya nakita sa xmas special ng abs cbn ng 2021 at 2022 at yun na ho ang huling pagkikita namin sa naalala ko. Totoo po magkasama kami sa Batang Quiapo pero ni minsan e HINDI kami nagkita dahil po iba ang grupo niya, unit at direktor nya. Kung sino man ang nagsimula nito e pwede ka maging komedyante.”

May paalala rin siya sa mga nagsusulat ng mga balita.

“At sa mga online newspaper, o tabloid or tsismis sites, e bago nyo ilabas ang isang bagay, e mag research naman kayo kung meron na kahit 0.1 percent na katotohanan, yun lang po at maraming salamat.”

Sa kanyang post, may binahagi pa siyang collage photo niya with Barbie, Richard, and even Annabelle Rama with the text “Fake News” na ni-like naman ni Ruffa Gutierrez.

Hmmmm… siguro matitigil na ang mga may makakating dila sa isyung ito ngayong naglahad na si John na fake news ang tungkol sa kanila ni Barbie.

***

ECHO NAGREAK SA TANONG NI JANINE
MAY aliw na sagot si Jericho Rosales, sa tanong ni Janine Gutierrez.

Sa Instagram ni Janine ay may in- upload siyang candid video ni Echo na nasa loob ng recording studio.

Makikita sa video na tumatawa ang aktor habang nakatingin sa kanyang smartphone.

Nagpalitan ng conversation ang dalawa na ikinaaliw ng EchoNine fans lalo na nang magreak si Echo sa komento ni Janine tungkol sa kanya.

Ang caption ng aktres sa video, “Back to workies, pero bakit kumakanta ka Tyrone? (Karakter niya sa Lavender Fields) @jerichorosalesofficial.”

Nirepost naman ni Echo sa kanyang acvount ang pinost ni Janine, at saka sinagot, “Para sa kapayapaan, Iris.”

Masayang nagtawanan ang fans at followers sa convo ng EchoNine.

Malapit nang matapos ang LF na pinagsamahan ng tatlong great actors, Jericho, Janine at Jodi Sta. Maria.

What comes next daw after ng LF, ang komento ng EchoNine fans.

***
ANNE NAG-ALA MARILYN MONROE SA SG MAGAZINE
ANG ganda ng pasok ng 2025 kay Anne Curtis.

Siya ang opening cover ng isang magazine from Singapore.

Grabe ang photoshoots ng asawa ni Erwan Heussaff na first time niyang ginawa sa magazine.

Ang caption ng SG magazine, “we are entering 2025 hot with our January cover star @annecurtissmith”

Pasabog ang pictorial ng TV host/actress.

Blonde ang kanyang hair at may ala-Marilyn Monrore posing.

Sabi nga ni Anne: “It was weird at the beginning — I didn’t know how to start acting again because my life was all about nursery rhymes at that time. But once I got that ball rolling, it came back — just in time for the filming of It’s Okay to Not Be Okay.”

Pinasalamatan ni Anne ang SG magazine bilang January girl cover nila.

“What a great way to start the year. Another dream come true.”

Ang daming celebrities ang nag-congratulate sa celebrity mom.

Sey ni Nadine Lustre: “LOVE!!!”

Si Heart Evangelista: “Go Anne!!!*

Isabel Daza: “i know her”

Janine Gutierrez: “OMG”

Tatlong heart emojis naman mula kay Iza Calzsdo.

Si Ruffa Gutierrez ay napa-“wow” sa sizzling hot photo ng mommy ni Dahlia.

Sigaw ni Bianca Gonzales, “ANNEEEE!!!”

Maging ang newscaster na si Karen Davila ay hindi napigilang mapa-“wow” at i-congratulate ang sisterrette ni Vice Ganda.

Direk Chris Martin: “Hayyy ibs talaga ang nag-iisang Anne Curtis”

Sagot ni Anne: “thank you direk! Special mention of one my fave roles! Zoe Tuazon of The Gifted.”

Sarah Lahbati; “j’adore @annecurrtissmith”

Ang dami talagang nagmamahal na celebrity sa Australian-Pinay aktres.

Sabi nga ng netizens: “Ang swerte ni Erwan kay Anne, bukod sa napakabait, ang ganda pa at isang ulirang asawa. Sana ol na maging isang anne cortez, asawa ni erwan heussaff hahaha”

Pahabol pa ng netizens, “40 years old na si Anne sa February 17, pero wala pa ring tatalo sa kanyang taglay na asim.”