Advertisers

Advertisers

Online Casino Scammers On The Loose!… PAGING PAGCOR!

0 262

Advertisers

MAY ipinarating sa korner na ito ang isa sa ating suki ng PFT bilang babala na rin para sa mga gaming enthusiast dito sa bansa o sa abroad man.

Ayon sa isa nang eksperto sa larangan na si European Gaming Consultant G. Kim Zafra,meron mga online casino website na may legitimong lisensya ng PAGCOR ang namimihasang nanggugulang ng suddenly off-guard na mananaya.

“Pag nanalo ka ng malaki namemeligrong hindi ka mabayaran”, ani Kim.



Ito ay base aniya sa kanyang kanyang personal na eksperyensiya sa paglalaro sa site ng isang lisensyado naman umanong gaming firm.

Bukod aniya sa kanya ay marami pang kasalukuyang nagrereklamo at natakbuhan ng kanilang waging salapi.

“Maging maingat po tayo sa pagpili ng ating lalaruan at sana po ay makarating ito sa atensiyon ni PAGCOR Chairman Alejandro H. Tengco upàng malapata ng agarang aksiyon kontra mga buwitre ng gaming dens,” panawagan ni Zafra sa kinauukulan.

Mismong ang isang gaming expert nang tulad ni G.Zafra ay nabudol ng lisensiyado nang betting firm, paano pa kaya ang ibang nabibiktima ng malpractice na ito na kumakaladkad pa sa prestihiyo ng government- run Philippine Amusement & Gaming Corporation( PAGCOR).

Hindi papayag o kukunsintihin ni Chair Tengco ang ganyang kaswitikan o malpractice at panggugulang ng kanilang nililisensyahang gaming firms.



Kailangan magpaliwanag dito ang isang firm na S5. com. under umano ng GL Corporation na PAGCÒR licenced Online Casinò Philippines para sa kalinawan na ayon kay Kim ay doon siya dumanas ng aniya’y mistulang budol o robbery in broad daylight kaugnay nang di na niya makubrang panalo at mabawing puhunan , ang malupit aniya ay deactivated pa ang account ng walang kalaban- laban at habol,..paging PAGCOR…

ABANGAN!