Advertisers
Ni Mercy lejarde
MGA makapigil hiningang eksena sa Uninvited movie nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre na talaga namang di mo gugustuhin kumurap dahil bawat eksena ay talagang ka-abang abang.
Napakahusay ng pagganap ng nag iisang Star for all Seasons bilang Eva Candelaria. Si Eva, (Vilma) ay naghintay ng sampung taon para paghigantihan si Guilly Vega (Aga), ang bilyonaryong may pananagutan sa brutal na pagkamatay ng kanyang anak. Nagtago bilang isang mayaman, sumama si Eva sa marangyang birthday party ni Guilly (Aga) para maisakatuparan ang matagal ng balak na paghihiganti.
Napakaganda ng eksena sa party kaya naman ang tagline na “Hindi lang ‘to basta party!” ay lalong nagpabalot sa misteryo sa likod ng Uninvited
Wala parin kupas ang akting ni Aga sa nasabing pelikula, ma pa-bida o kontrabida talaga namang hahangaan ng manonood.
Ang pagganap ni Aga bilang kontrabida ay nagdadala ng isang intensity na nagpapalakas sa kanya bilang isang memorable na karakter. Ipinakita niya ang karakter nang may paninindigan, na lalong nagpapakita ng mga negatibong katangian ni Guilly.
Samantala, si Nadine ay hindi nagpatalo sa husay nina Aga at Vilma.
Di nagkamali si John Bryan Diamante, ang CEO ng Mentorque. “Alam namin ang mga hamon na kinakaharap ng mga Filipino ngayon”.
“Ang panonood sa sinehan ay isang luho, kaya sinuguro naming sulit ito bawat pisong ilalaan nila”.
True, sa ganda at kapana-panabik ng Uninvited walang masasayang na sentimo pag pinanood kaya go na tayo sa mga sinehan.
Kaya naman mark your calendar Uninvited hits theaters nationwide starting December 25, as part of the 50th edition of MMFF.
***
PASABOG ang pagbubukas ng bagong taon para sa “FPJ’s Batang Quiapo” sa pagdiriwang nito ng ika-100 na linggo at sa pagsisimula ng ikalawang taong selebrasyon ng Kapamilya teleserye simula Enero 6.
Sa isang teaser na inilabas ng ABS-CBN, walang katapusan na makapigil-hiningang sagupaan ang nagbabadya sa mga susunod na episode tampok ang mga engkwentro ni Tanggol (Coco Martin).
Kaabang-abang dito ang muling paghaharap nina Tanggol at Olga (Irma Adlawan) kung saan isang buhay ang malalagay sa panganib nang biglang sumulpot si Marites (Cherry Pie Picache) sa bakbakan ng dalawa para subukang iligtas ang anak niyang si Tanggol.
Isang malaking rebelasyon din ang yayanig sa buhay ni Tanggol dahil sa wakas ay isisiwalat na ni Olga sa kanya ang katotohanang hindi si Rigor (John Estrada) ang totoo niyang ama.
Marami pang sorpresa ang dapat abangan ng mga manonood ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa patuloy na pagdiriwang nito ng ikalawang taong selebrasyon.