Advertisers
SA latest survey ng Social Weather Station (SWS), lumalabas na mas marami parin ang gusto manatili sa puwesto ang gastador na Bise Presidente ng bansa, si “Inday” Sara Duterte-Carpio, na kung tawagin ngayon ng mga marites at kritiko ng Duterte ay “Inday Lustay”. Hehehe…
Oo! sa survey, 41% lang ng mga Pilipino ang sang-ayon sa paghain ng mga indibidwal ng impeachment complaints laban kay VP Sara sa Kamara, ibig sabihin ay 59 percent parin ang may gusto sa kanya na manatili sa puwesto. Right?
Pero base sa Fourth Quarter 2024 survey ng SWS, 35% ang tutol sa pagpapatalsik kay VP Sara.
Habang 19% ang “undecided”, at 5% ang hindi pa alam ang isyu, kaya’t hindi pa sila makapagbigay ng opinyon hinggil sa kung okey sa kanila o hindi sa impeachment complaint laban sa lustay na bise presidente.
Sa kabilang banda, ayon sa survey, 47% ng mga Pinoy ang nagsabing alam nila ang isyu ng reklamong pagpapatalsik kay VP Sara bago paman sila tanungin, habang 53% ang nagsabing nalaman lang nila ito sa gitna ng interview ng SWS. Ganun? Hehehe…
Samantala, tinanong din ng SWS ang respondents kung “alin sa mga sumusunod na paratang ang maaaring basehan sa pag-impeach kay Bise-Presidente Sara Duterte?”
“To this, 46% answered Unexplained spending of confidential and intelligence funds by the Office of the Vice President and the Department of Education, making it the most cited allegation that may be the basis for impeaching Vice-President Duterte,” saad ng SWS.
Nasa 36% daw ng mga Pinoy ang nagsabing ang batayan sa pag-impeach kay Duterte ay ang hindi niya pagsagot sa mga imbestigasyon hinggil sa maling paglustay este paggamit ng confidential and intelligence funds, at 25% ang dahil sa umano’y “ill-gotten wealth na hindi naipaliwanag sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Sumunod sa mga binanggit na dahilan ng mga Pinoy ang naging pagbabanta ni Duterte sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez (24%), at maging ang pagkasangkot niya sa extrajudicial killings sa ilalim ng kaniyang naging pamamahala noong siya pa ang alkalde ng Davao City (23%).
“Other responses were her failure to condemn China’s aggressive actions in the West Philippine Sea (13%), Her display of lack of self-control, for example, she let her emotions get the better of her during a press conference where she continuously criticized Pres. Bongbong Marcos and said she wanted to behead him (12%), Her trip to Germany during the onslaught of Typhoon Carina (11%), Ordering her subordinates to prepare accomplishment reports on the distribution of confidential and intelligence funds, supported by fabricated receipts and documents (11%). Seventeen percent did not choose any of the pre-listed responses,” saad pa ng SWS.
Isinagawa ang survey na ito mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 2,160 Pinoy na may edad 18 pataas sa bansa, kungsaan 1,080 dito ang mula sa Balance Luzon (Luzon sa labas ng Metro Manila), at tag-360 respondents sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Say n’yo mga suki? Kung kayo ang tatanungin: Pabor pa ba kayo na manatili sa puwesto si Inday Lustay este si VP Sara?
Ang inyong komento ay malaking tulong para maging basehan kung dapat ngang ma-impeach o pabayaan nalang si VP Sara magkalat ng lagim sa OVP. God bless Philippines…