Advertisers
Mapalad o masuwerte ang mga naturukan ng COVID VACCINES na umangkop sa kanilang mga resistensiya.., subalit marami rin sa mga naturukan ang dumaranas na ngayon ng MALA-TORTURE na EPEKTO sa kanilang pangangatawan tulad na lamang ng isang dalagita na dumanas noon ng matinding pahirap sa epekto ng Pfizer ay muli na naman niyang dinaranas ngayon ang epektong nagpahirap sa kaniyang sitwasyon matapos siyang maturukan ng CLINICAL TRIAL VACCINES noong kasagsagan ng COVID-19 PANDEMIC.
Ang tinutukoy po natin ay ang dalagitang si JOYCE ANNE CORPUZ na dahil sa ipinairal ng DUTERTE ADMINISTRATION noon na maging ang lahat ng mga ESTUDYANTE ay kinakailangang magpa-COVID VAX na kung hindi magpapabakuna ay hindi makapag-eenrol ang mga mag-aaral.., kaya si JOYCE ANNE ay nagpabakuna na noong taong 2022 ay isa pa lamang siyang SENIOR HIGHSCHOOL na ivinideo siya ng kaniyang mga magulang sa matinding epektong dinanas nito na tila kinukumbolsiyon, o tila may epilepsy o kaya ay parang nasisiraan ng pag-iisip na ito ay inasistehan ng PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) at na-survive nito ang matinding epekto ng COVID VAX.
Gayunman nitong nagdaang araw ay inimpormahan ang ARYA ni JOEL CORPUZ (tatay ni JOYCE ANNE) na bumalik na naman umano ang dating epektong dinanas ng kaniyang anak…, na noong nag-enroll ito para sa kaniyang 2nd year Nursing Course ay naging kapansin-pansin na umano ang kaniyang mga pagkilos na katulad ng dinanas niya noong unang umatake ang matinding epekto sa pagkakabakuna sa kaniya noon.
Ito ang matinding pahirap na naman ngayon sa pamilya ni JOEL CORPUZ na residente ng CAINTA, RIZAL dahil sa walang pakundangang pagsasagawa ng COVID VAX na hindi isinagawa ng HEALTH OFFICIALS ang STANDARD PROCEDURES na bago magbigay ng gamot o magturok ng pambakuna o gamot ay kinakailangang alamin ang HEALTH HISTORY ng pasyente kung naaangkop ba sa resistensiya ng pasyente ang ibibigay o ituturok na gamot.., sa halip ay basta na lamang turok ng turok ng COVID VAX na laging nililitanya ng HEALTH OFFICIALS na SAFE AND EFFECTIVE daw ang mga COVID VAX noon gayong nasa CLINICAL TRIAL STAGE pa lamang ang lahat ng mga pang-COVID VAX.., ika nga ay nasa proseso pa lamang ng EXPERIMENTATIONS ang mga pambakuna na kailangan ay mamonitor sa loob ng ilang mga taon kung ano ang magiging epekto ng gamot.., kaya naman ay marami ang nangamatay dahil sa pagpapa-COVID VAX na ang mga detalyeng ito ay itinago at ipinagbawal ng HEALTH OFFICIALS na maibalita o maisapubliko at maging sa Facebook ay hindi oobrang i-post ang mga negative effect na kung may magpost ay ilang segundo lamang ay mabubura na sa fb tulad sa mga artikulo ng ARYA ay agad binubura ng fb noon at humahantong pa na sinususpinde ng fb management ang ARYA fb account noong kasagsagan ng COVID PANDEMIC.
Ang masaklap pa.., dahil sa bilyon-bilyong inorder o binili ng DUTERTE ADMINISTRATION noon para sa mga COVID VAX ay ikinampanya pa na “THE MORE COMMORBODITIES YOU HAVE THE MORE YOU NEED COVID VAX”.., na kung mamatay man ang magpapabakuna e siguradong ang ibibintang e dahil sa taglay na sakit nung pasyente kaya namatay at hindi sa bakuna.
Mga ka-ARYA.., TRIALS o EXPERIMENTATION STAGE pa lamang ang mga COVID VACCINES e binibili na ang gamot gayong dapat ay libre lamang at ang COVID VAX MANUFACTURERS nga ang dapat ay nagbabayad sa mga tao dahil ginawa nilang EXPERIMENT ang mga tao.., na sinasabing ang ating gobyerno ay bilyong dolyares pa ang naging pagkakautang sa pagbili ng mga pambakuna gayung ang iba’t ibang bansa ay bumuhos ang DONATIONS ng mga COVID VAX na ibinigay sa ating bansa noon? Bakit nagkautang pa ang ating gobyerno sa mga COVID VACCINES gayung marami sa ating mamamayan ang ayaw makipagsapalaran sa magiging epekto ng EXPERIMENTAL VACCINES?
Marami kasi sa ating mga mamamayan noon na nasa mga probinsiya lalo na sa mga liblib na lugar ay hindi o ayaw nilang magpa-COVID VAX, kaya ang milyon-milyong mga pambakuna ay natengga at para hindi masayang ay kung ano-anong estratehiyang pananakot ang ginawa ng gobyerno na manganganib lalo ang mga tao kung hindi magpapabakuna.., na humantong pa sa pagbabanta noon ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na aarestuhin ang mga ayaw nagpabakuna kaya nagkandakumahog ang mga tao sa METRO MANILA sa pagpapabakuna sa takot na sila ay maaresto.., na ako po na isang MEDIA PRACTITIONER ay hindi nagpabakuna hanggang ngayon dahil wala pang katiyakan ang mga pambakuna na pawang nasa CLINICAL TRIAL STAGE pa lamang.
Ang siste. , paano na ngayon ang mga nagpa-COVID VAX na dumadanas ng matinding SIDE EFFECT.., nasaan na ang pahayag noon na sagot ng GOVERNMENT ang pagpapagamot ng lahat na dadanas ng matinding SIDE EFFECT ng COVID VAX?
Ang masaklap pa ay TAKEN FOR GRANTED na lamang ang mga namatay matapos mabakunahan noon na agarang ipinapa-CREMATE para walang makapagsagawa ng autopsy kung ang ikinamatay ba ay sa epekto ng COVID VAX o sa ibang kadahilanan? Paano na ang matinding pagdurusa ngayon ng mga naparalisa ang pangangatawan dahil sa epekto ng COVID VAX hanggang sa 2 beses na pagpapa-BOOSTER? Dapat bang hayaan na lamang ang ganitong kawalang-ingat o kawalang-malasakit ng mga MEDICAL EXPERT tulad sa sinapit ng mga batang namatay sa mala-tortyur na epekto ng DENGVAXIA na magpahanggang ngayon ay tila malabo pa rin ang hustisyang inaasam ng mga magulang ng mga batang nangamatay sa pagmamalasakit kuno ng gobyerno laban sa sakit na MALARIA?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.