Advertisers

Advertisers

Isa sa mga lubid ng andas naputol habang nasa Ayala Boulevard

0 11

Advertisers

NAPUTOL ang isang lubid ng andas ng Poong Hesus Nazareno sa bahagi ng Ayala Boulevard kungsaan tumagal bago ito muling umusad.

Ilang beses na tinangkang itulak ng mga grupo ng deboto ang andas upang umabante ngunit parati itong sumasadsad at napupunta sa gutter.

Nagmistulang dagat na umaalon sa dami ng mga sumamang deboto sa Traslacion sa kagustuhang makalapit at mahawakan at mapunasan ang Andas na gawa sa sunroof.



Maraming deboto rin ang naipit at nasaktan sa biglaang pagbuhos ng mga tao na gustong makibahagi sa aktibidad.

Bagamat pinayuhan ng Quiapo Church na huwag nang sumampa sa Andas ang mga deboto, hindi parin mapigilan lalo na ang mga kabataan.

May ilang babae rin na marahas na umakyat sa andas at hindi alintana ang peligro na maaari nilang kahihinatnan.

Sa ngayon nasa paanan pa rin ng Ayala bridge ang prusisyon.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">