Advertisers

Advertisers

Hiwalayang Bianca at Sen. Win usap-usapan

0 17

Advertisers

Ni Rommel Placente

ILANG araw na nga lang at magtatapos na ang seryeng Lavender Fields, na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria, kasama sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.

Matapos pala ang seryeng ito, iiwan muna ni Jodi ang showbiz at haharapin nito ang pag-aaral ng master’s degree in clinical psychology.



Matatandaang 2021 nang magtapos si Jodi sa Southville International School and Colleges with a bachelor of science degree in psychology.

Ayon kay Jodi, pangarap niya talagang makapagtayo ng maliit na center na magbibigay serbisyo kahit sa mga mahihirap na may mental health problems.

“It’s my dream to put up a small center to make mental health accessible to all,” sabi ni Jodi.

Hindi lang daw sa mga taong kayang magbayad pero para sa lahat. ‘Yun daw talaga ang nasa puso ng aktres mula nang mag-aral siya ng psychology.

Nu’ng mag-aral daw siya ng acupuncture detox, at nagkaroon ng certification, ‘yun na raw ang nasa plano niya. And God willing daw na ‘yung dream na ‘yun will turn into reality.”



Maliban pa raw dito, iba ang saya na nararamdaman niya kapag nasa loob siya ng classroom at natututo ng iba’t ibang bagay.

For some weird reason, gusto raw niya ang pakiramdam ng nasa klase at natututo.

Dalawang magkasunod na serye na rin kasi amg nagawa ni Jodi nitong huli, kaya pagtutuunan muna niya muna ang kanyang pag-aaral at iiwan nga muna niya pansamantala ang pag-arte.
***
USAP-USAPAN ngayon ang item tungkol sa isang beauty queen at isang pulitiko na matagal na raw hiwalay. Ang hula ng mga netizen, obviously ay sina Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo raw ang tinutukoy.

Tsinek namin ang Instagram ni Bianca at wala ngang mga bagong post sa kanila ng senador lalo na nitong nagdaang holiday season.

Hindi rin nag-post si Sen. Win ng birthday greetings para kay Bianca noong mag-celebrate ito ng kanyang 38th birthday last November 29. Wala rin silang picture na magkasama.
Puro solo picture lamang niya ang pinopost ng dating beauty queen maging ng senador na dati naman ay lagi nilang ginagawa kapag magkasama sa mga event.

May mga nakapansin din sa ipinost ni Bianca last November 29, 2024 sa kanyang Instagram tungkol sa batang Bianca Manalo.

“Don’t worry, little Bianc You’re going to be okay,” ang sabi ng dating beauty queen sa kanyang caption.

Kung matatandaan, nasangkot sa kontrobersya si Bianca sa huling bahagi ng 2023, nang kumalat sa social media ang umano’y screenshot ng private conversation nila ng Kapuso actor na si Rob Gomez. Inasaahan ng netizens na maghihiwalay sila ng senador pero nanatiling matatag naman ang kanilang relasyon matapos ang kontrobersiya.
Pero ngayon nga ay sinasabing hiwalay na ang dalawa. True nga kaya ito?