Advertisers

Advertisers

High grade marijuana, nasamsam sa Caloocan

0 49

Advertisers

Naaresto sa isinagawang intelligence-driven operation, ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District ang dalawang drug suspects sa Caloocan City na lumabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A. 9165).

Kinilala ni Northern Police District Director PCol.Josefino Ligan ang mga naaresto na sina alias “Mart,” 20-anyos ng Barangay 132, Bagong Barrio, Caloocan City; at alias “White,” 19,,ng Barangay 83, Caloocan City.

Naaresto ang suspek 11:27 ng gabi , sa No. 47 Guadalupe St., Barangay 83, Caloocan City.



Nakumpiska sa mga suspekt ang 18 grams ng high-grade marijuana na may standard drug price na P27,000; at 149 packs ng cannabidiol (CBD)-infused high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P312,300. at buy- bust money.(Beth Samson)