Advertisers

Advertisers

3 akyat-bahay nagtago sa kisame timbog

0 21

Advertisers

ARESTADO ang tatlong miyembro ng akyat-bahay gang ng mga tauhan ng Las Piñas City Police, Martes ng hapon, Enero 7.

Kinilala ni Las Piñas City Police chief Colonel Sandro Jay Tafalla ang mga nadakip na sina alyas Anthony, 24; Andrei, 21; at Paul, 19, pawang residente ng Parañaque City.

Base sa ulat na natanggap ni Tafalla, nai-report ang insidente ng nakawan sa isang bahay na matatagpuan sa El Grande Avenue, Barangay BF International/CAA na pag-aari ng isang senior citizen 3:00 ng hapon.



Pagdating ng mga tauhan ng Las Piñas City Police at mga opisyales ng barangay ginalugad nila ang paligid ng bahay at nadiskubre ang mga magnanakaw nagtatago sa kisame ng bahay, sanhi ng kanilang pagkakaaresto.