Advertisers
TODAS ang dalawang dating miembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa pananambang sa isang liblib na lugar sa Simisip, Basilan, ulat ng pulisya.
Ayon kay Lt. Mujib Hassan, officer-in-charge ng Sumisip Police Station, ang mga nasawi ay kinilalang sina Burhan Ajaa at Radzmie Tuya, 20 anyos, ng Sitio Datag, Basilan.
Ayon sa imbestigasyon, habang ang mga biktima ay pauwi na sa kanilang tahanan nang pagbabarilin ng grupo ng mga armadong kalalakihan, na kaagad ding tumakas nang mapatay ang dalawa.
Ang labi ng mga biktima ay dinala sa kanilang tahanan sa Ettub-Ettub, Basilan.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.