Advertisers

Advertisers

SINO ANG MGA HINDI DAPAT IBOTO SA MAYO?

0 173

Advertisers

UNA sa aming listahan ang mga kasapi ng mga malalaking pamilyang pulitikal na naglipana sa buong bansa. Hindi namin nakikita ang katwiran kung bakit ihahalal ang mga Revilla ng Cavite, Villar ng Las Pinas City, Binay ng Makati City, Gatchalian ng Valenzuela City, Singson ng Ilocos Sur, Cayetano ng Taguig City, at iba pa.

May 200 dinastiya pulitikal ang kumokontrol ng iba’t-ibang posisyon sa Kongreso (Senado at Camara de Representante), local government unit tulad ng gobernador, bise gobernador, bokal, alkalde, bise alkalde, at konsehal, at kahit mga party list. Kasuwapangan sa kapangyarihan ang nagtulak sa mga pamilyang pulitikal upang pakyawin ang mga posisyon at halos walang iniwan para mga nilalang na karapat-dapat na pamunuan ang gobyerno.

Wala kaming nakitang dahilan kung bakit ihahalal namin si Kin. Camille Villar ng Las Pinas City na gustong sungkitin ang puwesto ng kanyang ina na Cynthia sa Senado. Walang ginawa si Camille sa Camara upang ihalal siya sa Senado.



Wala kaming nakikitang dahilan kung bakit ibabalik sa Senado si Bong Revilla. Hindi pa kita ibinabalik ang P124-M na iniutos ng Sandiganbayan na ibalik sa kaban ng bayan. Ang alam naming ay isang mandarambong si Bong sa kaban ng bayan.

Pangalawa sa aming listahan ang mga tumatayong lider ng sektang Iglesia Ni Cristo (InC) at Kingdom of Jesus Christ (KoJC). Tumatakbo sa Mayo bilang senador si Rodente Marcoleta at Apollo Quiboloy. Pagpapatiwakal ang tingin namin kung ihahalal sila. Pareho silang hindi magaling at wala silang itinatagong galing kundi mambola ng mahihirap na kababayan.

Pangatlo ang mga nasa tiket ng sindikatong kriminal na Inferior Davao. Hindi namin nakikita ang dahilan kung bakit muling ibabalik sa Senado ang tulad ni Bong Go at Bato dela Rosa. Hindi sila magaling at hindi sila kinakitaan ng ibayong gilas na ipaglaban ang kapakanan ng bansa. Kay Gongdi ang katapatan ng dalawang utusan.

Pang-apat, traydor ang tingin namin sa mga kakampi ng China at tumatangkilik sa kanilang interes sa bansa. Isama ang mga tulad ni Bato, Bong Go, at Francis Tolentino na hindi nahiyang ipagtanggol ang kapakanan ng China sa bansa.

Hindi namin nalimutang ng unang nagtalumpati si Francis upang hingin ang pagsang-ayon ng kapulungan sa pinagkasunduan ni Gongdi at Xi. Isa itong malaking kagaguhan ni Francis dahil kahit siya hindi alam ang detalye ng kasunduang laway. “Basta magtiwala kay Duterte,” ito ang kanyang katwiran na hindi katwiran.



Panglima, wala kaming tiwala sa mga artistang laos at celebrity na tumatakbo. Bukod na wala silang kaalaman sa trabahong hinahangad nila, wala rin silang sapat na paghahanda. Bukod diyan, marami sa kanila ang tiwali. Bakit patitiwalaan sina Philip Salvador at Willie Revillame? Isang malaking kahibangan ito.

Pang-anim, hindi ko hahangarin na iboto ang mga balimbing at kabilanin. Sila ang mga pulitiko ng nagpapalit ng lapian na isang iglap na sa buong akala nila ay nagpapalit sila ng underwear. Nangunguna sa kanila si Francis Tolentino na nagmistulang si Tarzan na nagpapalit ng baging dahil sinamahan niya ang lahat ng lapian na nasa poder. Masyadong sigurista kahit magmukha oportunista si Francis sa larangan ng pulitika.

***

ISANG maling kaisipan na sabihin na walang pagpilian. Marami ang maaaring ipalit sa kanila. Sa mga kandidato sa Senado, nandiyan si Bam Aquino at Kiko Pangilinan, pawang may kalibreng dating senador na maaaring ibalik sa Senado. Si Bam ang pangunahing may-akda ng batas na nagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa kabataan. Ngayon, libo-libong mag-aaral ang nakikinabang sa batas na iyan.

Si Kiko ang kasamang pumapanday sa maraming batas ng na sumiguro na may makakain sa hapag ng bawat Filipino. Marami siyang ambag upang isaayos ang mga polisiya sa larangan ng pananakahan. Hindi siya pwedeng ihambing kina Bong Go at Bato na walang naunawaan sa ikauunlad ng bansa.

Tingnan mabuti sina Heidi Mendoza, ang dating commissioner ng Commission on Audit (CoA) na sumuri sa mga katiwalian sa gobyerno at iba pa, Kin. France Castro ng ACT-Teacher Party List, at Teddy Casino, dating mambabatas, sa listahan ng mga kandidato. Matingkad ang record ni Castro dahil siya ang nagbisto sa publiko ng pinaghihinalaang pagdambong sa P125-M confidential fund ni Misfit Sara.

***

MGA PILING SALITA: “Contrast this with Mindanao, where Duterte clings to a fragile support base with 56% opposing impeachment. Let’s be honest. This is not loyalty born of a fulfilled promise of progress or prosperity, but of tribalism and name recognition. The rest of the country should not be held hostage by the parochialism of one region. If Duterte were truly a national leader, her influence would extend beyond her familial stronghold.” – Val Villanueva

“The most beautiful thing we can experience is the mysterious. It is the source of all art and science. He, to whom this emotion is a stranger, who can no longer pause to wonder and stand rapt in awe, is as good as dead; his eyes are closed.” – Albert Einstein