Advertisers
Ni Archie Liao
TRENDING ang topic kung saan sinabi ni Sam Milby na dapat daw ay mag-propose na si Gerald Anderson sa kanyang nobya.
Para sa kanya, hindi na raw kasi bumabata si Ge.
Sa edad na 36, hinog na hinog na rin daw ito sa pagpapakasal.
Umani naman ng samu’t saring reaksyon sa mga sawsawera at kate-katera ang nasabing pang-uurot ni Sam kay Gerald na patali na.
May mga nagmamaldita namang nagsabing prini-pressure raw nito ang kaibigang pakasal.
May iIan pang pa-savage na kumukuwestiyon sa statement niya dahil nauwi rin sa breakup ang engagement nito kay Catriona Gray.
Ito ang ilang sey ng kibitzers.
“Hahaha. Look who’s talking. Anyare sa engagement niya kay Cat.”
“Hehe. Itinutulak talaga si Ge na pasakal kay Julia.”
“Baka naman concerned lang sa kaibigan.”
“Bet na niyang maging best man.”
“Pinasa pa kay gerald ang pressure hahaha”
“Sam could have just shutup. Kakahiya magpayo ng ganyan tapos ung sa kanya hindi natuloy, knowing mas matanda sya kay Gerald”
“Pero pag si Gerald ang tinanong ang daming pasikot sikot charr hahahaha”
“Naku wag mo pangunahan Sam. Look what happened to you.”
“Awkward coming from him.”
“Gerald and Julia seem to be heading there narin, welcome narin si Gerald sa family ni Julia, and relax at mukhang they both grow sa relationship nila. Hopefully sila na mag end up together para may katuturan ang ginawa nila you & me against the world eme dati.”