Advertisers
BEST ATHLETE of the YEAR si champion gymnast CARLOS EDRIEL YULO sa 2024 PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION (PSA) Awards Night na gaganapin sa darating na January 7 sa MANILA HOTEL.
Si CARLOS YULO, first ever twin gold medalist ng Pilipinas after a century sa PARIS OLYMPICS ang first recipient nito kasunod ni PIA ADELLE REYES wayback 1997.
“From a great Olympic performance to an even greater Olympic show and from.one big breakthrough to an even bigger breakthrough, thanks to CARLOS YULO whose great feat we will celebrate in handling him our highest accolades..”, mensahe ni PSA President NELSON BELTRAN.
Tampok din sa PSA Awards Night ang GYMNASTICS ASSOCIATION of the PHILIPPINES (GAP) bilang 2024 Best Sports Association- NATIONAL SPORTS ASSOCIATION (NSA) of the Year, pagkilala sa matagumpay na kampanya sa nagdaang 2024 PARIS OLYMPICS na naghatid kay CARLOS YULO sa victory of twin gold medals para sa bansa na naitatak ng 24 y/o gymnast sa history after a century.
Isang makasaysayang achievement ng GAP ang panalo ni CARLOS YULO ng first ever double gold sa PARIS OLYMPICS, wagi sa men’s vault at sa floor exercise in a single event.
Ang 62 y/o GAP na pinamumunuan ni Madam CYNTHIA CARRION NORTON ay naghatid din sa mahuhusay na Filipina gymnasts na sina ALEAH FINNEGAN, EMMA MALABUYO at LEVI JUNG – RUIVIVAR sa PARiS GAMES after 60 years na ang Pinay representatives ay sina EVELYN MAGLUYAN at MARIA LUISA FLORO, year 1964 sa TOKYO OLYMPICS. Through GAP, una nang humablot si CARLOS YULO ng maraming medalya sa iba pang international competitions last year, partikular sa ARTISTIC GYMNASTICS ASIAN CHAMPIONSHIPS sa Uzbekistan at FIG ARTISTIC GYMNASTICS WORLD CUP SERIES sa Qatar.
Dagdag na sa list of NSA Awardees ng Pinas ang GAP na unang nakuha ng SAMAHANG WEIGHTLIFTING ng PILIPINAS, SAMAHANG BASKETBOL ng PILIPINAS, ASSOCIATION of BOXING ALLIANCE in the PHILIPPINES, PHILIPPINE ATHLETICS TRACK and FIELD ASSOCIATION at PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION.
Meanwhile, laudable ang support ni GAP Pres. CYNTHIA CARRION NORTON sa ating Golden Boy CARLOS EDRIEL YULO, “ at times she herself paid for the trainings when sponsors had been scarce “ Si Mam CYNTHIA lahat po, inaaway nya para lang suportahan ako. Siya yung tumayong magulang ko po, naniniwala po talaga sa akin’, ani Golden Boy. So there, hard work and sacrifices really pay off. CONGRATS, SALUTE and KUDOS!
JANUARY CHEERS.
HAPPY BIRTHDAY to Mam CHRIZELLE JANE SANTOS – CENABRE of Taytay, Rizal, JASON SANTOS TALA of San Isidro, Pampanga, to Sir RICARDO ORTILE, JR. of LFIS & NIKKO ESPENIDO of Cabanatuan City, and to RACHEL CUNANAN (Manila). Best blessings be with you all. HAPPY READING!