Advertisers

Advertisers

Biado No.4 sa listahan ng world billiards moneymakers

0 7

Advertisers

PANG-APAT si Filipino cue artist Carlo Biado sa listahan ng moneymakers kabilang ang ilang billiards players sa mundo, ayon sa resource website AZBilliards.com.

Sa 2024 lamang, Biado ay nakaipon ng total prize money na $209,275

Kabilang sa tournament na kanyang napanalunan nakaraang taon ay ang Reyes Cup ($15,000), ang Ho Chi Minh City Open ($35,000), ang Raxx Mhet Vergara Pro Am ($9,000), ang World 10-Ball Championships ($75,000), at ang Chinese Taipei Open ($10,000), pati ang runner-up finish sa Alfa Las Vegas Open ($14,000), at third place finishes sa Maldives Open ($8,000), Lushan Open ($3,000) at ang Hanoi Open Pool Championship ($9,500).



Sa kabila ng nalaglag sa top 10,na may $121,250 na kinita,Johann Chua ay nalagay sa 11th place sa money leader board.

Fedor Gorst ng United States ang nangibabaw sa listahan ng 2024 na may $510,163 na kinita, kasunod ang Germany’s Joshua Filler ($316,488) at American Shane van Boening ($228,388). Matapos ni Biado ay si Eklent Kaci ($184,757) ng Albania.