Advertisers

Advertisers

APAT NA EMPLEYADO NG NBI AT WALONG IBA PA NAARESTO SA ENTRAPMENT OPERATION

0 13

Advertisers

Walang sinasanto ang kasalukuyang pamunuan ng National Burea of Investigation o NBI sa pamumuno ni Director Jaime Santiago matapos na arestuhin ang apat na mismong empleyado ng NBI kasabwat ng walong indibidwal bilang grupo ng mga fixers sa labas ng tanggapan ng naturang ahensya.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng NBI para maaresto ang grupo ng mga pixer na nagsasamantala sa mga aplikante.

Ayon kay Santiago may mga aplikante din na lumapit sa mga fixer na may mga kaso sa NBI na nagpapatulong para makakuha ng NBI clearance na nagbabayad ng malaking halaga.



Ang nasabing grupo ay sumasalubong sa mga aplikante na kukuha ng NBI clearance at naniningil ng malaking halaga ng pera kapalit para makakuha ng NBI Clearance.

Binigyan diin ni Director Santiago na tuloy tuloy ang gagawin nilang operasyon laban sa mga fixer na namemeke ng NBI clearance sa mga aplikante. (CESAR MORALES)