Advertisers
Kilala si Direk Daryll Yap sa pagiging kontrobersiyal at magaling na direckor ng pelikulang Pilipino.
Award- winning ang kanyang mga obra.
Ika nga,ang kanyang mga pelikula ay hango mula sa kasaysayan at kuwento ng masalimoot na lipunang Pilipino.
Ang latest movie ni Direk Yap ay may titulong
” THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA”, a biographical crime drama film na mabusising hinulma ni Direk Yap para maging makatotohan at matapang na pelikula.
Istorya ito ng isang 15- anyos na sexy star na biktima ng gang rape noong dekada otsenta (80s).
Kontrobersiyal ang kaso dahil ibinulgar noon ng biktimang si Pepsi Paloma ( Delhia Duenas- Smith) kung paano siya pinuwersa ni Tito Sotto,nagbabalik at tumatakbo ngayong senador para pirmahan ang affidavit of desistance laban sa mga akusadong sina Vic Sotto,Joey de Leon at Ricardo Reyes a.k.a Ritchie de Horsey.
Si Vic Sotto ay itinuturing prince of comedy noon at kapatid ni Tito Sotto na vice mayor noon ng Quezon City at eventually ay naging senador at Senate President.
Si Vic Sotto ay ama naman ng reelectionist Mayor Vico Sotto ng Pasig.
Sabi ng mga kritiko,ang pelikulang ito ni Direk Daryll Yap ay isang “libelous movie” pero para sa inyong abang lingkod ay hindi po!
Ito ay isang “justice-seeking movie” long overdue para magkaloob ng katarungan at hustisya hindi lamang sa rape victim na si Pepsi Paloma who eventually committed suicide by hanging herself , but also to give justice sa kanyang talent manager,the late Dr.Rey Dela Cruz who was gunned down by unknown assassins in Quiapo, Manila.
Barangay Chairman ng Quiapo,Maynila noon ang outspoken na si Dela Cruz.
Marami tayong hawak na impormasyon. na ang rape kay Pepsi Paloma at ang pagpatay kay Chairman cum talent manager Rey Dela Cruz ay maituturing kambal na krimen na magpahanggang ngayon ay nananatiling unsolved !
May common denominator kasi sa mga kasong ito at ang tinutukoy natin ay isang nagngangalang Ben Ulo,isang paroladong bilanggo mula Muntinlupa o Bilibid!
Si Ben Ulo ( Ben Mendoza in real life) ay kilalang bodyguard at hitman ng isang sikat na angkan ng mga pulitiko at Huwes.
Kung ang pelikulang ” THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA” ang magbibigay- daan sa hustisyang ipinagkait sa mga biktima ( may ilan pa tayong indibidwal na di pa lumulutang ngunit biktima rin) then be it!
Hindi lamang ang mga ito ang puwedeng maisalba ng nasabing pelikula ni Direk Daryll Yap kundi ang iba pa nating kababayan na posibleng nalilinlang ang pag- iisip sa mga taong nagbabalatkayong public servants ngunit sa totoo pala ay mga Diablo na nagkukunwari sa likod ng kanilang hinahawakang posisyon sa pamahalaan. Wala ang mga itong ng moral ascendancy para maging lingkod bayan dahil nalalambungan ng malaking kuwestiyon ang kanilang tunay na pagkatao
May nagtanong sa atin, paano makakaapekto ito sa kandidatura ni comebacking Senator Tito Sotto at ni reelectionist Pasig Mayor Vico Sotto,kapatid at ama ng isa sa mga suspek na si Vic Sotto?
God works in many wonders sabi nga,at tanging panahon lamang ang makakapagsabi ng puwedeng sumapit at mangyari sa hinaharap.
Pero sabi nga rin…
“everything happens for a reason”.
Hayaan nating makapangyari ang dapat manaig…
Give justice where justice is due (overdue)!
Mga kababayan kong Pilipino, nawa’y buksan natin ang ating mga kaisipan at manalangin tayong gabayan ng Panginoon para mapagtanto at makilatis ang mga demonyong nagbabalatkayo!
May kasunod …
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com