Advertisers

Advertisers

SEA GAMES GOLD MEDALIST PINATAY!

0 47

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN na ng mga otoridad ang pagpatay sa isang national athlete sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Kinilala ang biktima na si Mervin Guarte, 33 anyos, Southeast Asian Games gold medalist at miyembro ng Philippine Air Forces.

Sa report, pinatay si Guarte sa saksak sa loob ng bahay ng kaibigan na si Barangay Kagawad Dante Abel sa Sitio Pinagkaisahan, Barangay Camilmil, Calapan City 4:30 ng umaga.



Nakahingi pa ng tulong ang biktima sa mga kapitbahay na nagtakbo sa kaniya sa Sta. Maria Village Hospital bago inilipat sa Mindoro Medical Center kungsaan ito binawian ng buhay.

Nabatid na natutulog si Guarte nang saksakin sa dibdib ng salarin na kaagad tumakas, base sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) MIMAROPA.

Lumalabas sa imbestigasyon na dumayo lamang ang biktima sa lugar at nakipag-inuman mula gabi hanggang 3:00 ng madaling araw.

Ayon kay Lt. Colonel Roden Fulache, hepe ng Calapan City Police, inaalam na nila kung sino-sino ang mga nakainuman ng biktima para matukoy ang salarin at motibo sa krimen.

Narekober ng mga imbestigador sa lugar ng krimen ang kutsilyo na ginamit sa pagpatay sa atleta.



Kinondena ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ang pagpatay, at nangako ng mabilis na hustisya sa biktima na maraming beses nagbigay ng karangalan sa bansa sa mga international competition.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Sports Commission (PSC) sa biglaang pagkasawi ni Guarte.(RONALD BULA)