Advertisers

Advertisers

Salpukan ng bus at trike: 3 patay

0 14

Advertisers

NASAWI ang tatlo katao at tatlo ang sugatan nang masalpok ng bus ang isang traysikel sa bahagi ng Barangay Napaccu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang mga nasawi na sina Felina Naca, Carol Cadiz at Josie Viernes, habang ang mga sugatan ay sina Lilia Aoanan, Felicidad Sales, at ang driver na si Marvin Aquino na pawang residente ng Barangay Centro 2 sa Luna, Isabela.

Sa ulat, nasa parehong direksyon ang bus na minamaneho ni Julius Camua, 29 anyos, ng Barangay San Jose, Gonzaga, Cagayan at ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima nang biglang pumasok sa fast lane ang tricycle mula sa outer lane, sanhi para masalpok ng bus.



Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit’ binawian ng buhay ang tatlo sa kanila.

Sumuko sa mga otoridad ang driver ng bus na nahaharap sa kasong mga reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries at damaged to properties.