Advertisers
Ni Rommel Placente
PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social media na nag-uugnay sa kanila ng aktres na si Barbie Imperial.
Nag-post ang aktor sa kanyang social media account, kung saan nilagyan niya ng malaking “fake news” ang screenshot ng balitang may something sa kanila ng rumored girlfriend ni Richard Gutierrez.
Hindi raw niya alam kung paano ito nagsimula at kung kanino nanggaling.
Esplika niya sa caption, hindi raw niya kilala ng personal si Barbie pero kilala niya ito bilang artista.
Sa talambuhay raw niya ay minsan lang daw niya ito nakita sa Christmas Special ng ABS-CBN noong taong 2021 o 2022 at iyon na raw ang huli nilang pagkikita sa naaalala niya.
True naman daw na nagkasama sila sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin na FPJ’s Batang Quiapo pero ni minsan daw ay hindi sila nagkita dahil iba ang grupo, unit, at director nito.
Kaya mensahe niya sa mga mahilig magkalat ng fake news na ito ay puwede na raw itong maging komedyante.
Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga online newspaper, tabloid o showbiz sites na sana ay mag-research daw muna at siguruhing tama ang ibabalita. May mga tsika pa kasing lumabas na pinagseselosan daw ni Richard si John kaya naman marami ang naloka.
***
BALITA namin, kumpara nung nakaraang taon ay mababa ang kinita ngayon ng MMFF 2024. Kung mai-extend man siguro ay yung malakas na lamang na pelikula tulad ng And The Breadwinner Is ni Vice Ganda.
Malayung-malayo raw ang resulta ng MMFF 2023 na nag-extend pa dahil sa tuluy-tuloy na malakas ang mga pelikulang kalahok last year.
Malaki ang agwat noon ng top-grosser na Rewind na halos isang bilyon ang kinita.
Ngayong taon ay nangunguna pa rin ang And The Breadwinner Is, pero kung pagbabasehan sa resulta sa takilya ng mga pelikulang nagawa ni Vice before ay mukhang ang nasabing pelikula ang hindi ganoon kalaki ang kinita.
Hindi naman naglalabas ng official figures ang MMFF pero may nagtsika sa atin na as of Jan. 3 ay naka-P270M pa lang itong pelikula ni Vice, although malaki na rin naman yun.
Pero kung iisipin pa rin ang pelikula lang ng TV host comedian ang siguradong makakabawi.
Ang layo nga raw ng pumangalawa na naka-P100M pa lamang daw.
Sa mga lumabas na figures at ranking sa social media ay hindi raw ito official. Kaya abangan na lang natin ang official announcement ng MMFF Executive Committee o ng MMDA ni Atty. Don Artes.
Hindi nga raw natupad ang wish sana ng MMFF na malagpasan ang kinita ng Hello Love Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Sa ganitong resulta ng MMFF, matuloy pa kaya ang summer MMFF?