Para sa ‘Traslacion 2025’ sa Huwebes: “It’s all systems go” – Mayor Honey
Advertisers
“IT’S all systems go.”
Ito ang pahayag ni Mayor Honey Lacuna sa nakatakdang pagdiriwang Feast of the Black Nazarene tuwing January 9 kung saan itinatampol sa isang prusisyon na tinawag na ‘Traslacion,’ kung saan milyun-milyong deboto ang sumasama.
Pinangunahan ni Lacuna ang send-off ceremony noong hapon ng Lunes, para sa mga idi-deployed sa nasabing Araw ng Pista kung saan sinabi niya na: “Isang direksyon lang po tayo at sundin lamang natin ang naayon sa ating mga nailatag na mga panuntunan. Gabayan at ingatan nawa tayong lahat ng Nuestro Padre Hesus Nazareno.”
Naroon din sa nasabing okasyon na ginanap Quirino Grandstand sina Vice Mayor Yul Servo, Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil, Manila Police District (MPD) Director PGen. Arnold Thomas Ibay, at iba pa.
Ang mga ipinadala ay mga kawani ng PNP, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines’ Joint Task Force NCR.
Binasbasan ni Outgoing Quiapo Church vicar at ngayon ay Balanga, Bataan Bishop Rev. Fr. Rufino ‘Jun’ Sescon ang mga unipormadong kawani na naroon sa seremonya, kung saan pagkatapos nito ay bumalik na sa kanilang duty para magbigay ng seguridad sa grandstand kung saan naroon na ang imahe ng Itim na Nazareno para sa opisyal na pagsisimula ng “Pahalik,” ngayong om January 7 (Martes).
“Ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong HesusNazareno ay malaking bahagi ng kultura at tradisyongPilipino lalo’t higit ng mga Manilenyo….di lang siya isang religious event kundi isang malaking tourism event na rin, dahil nakapang-hihikayat siya ng maraming tao mula sa labas ng Maynila at labas ng bansa upang pumunta at bumisita sa Maynila upang masaksihan ang mga kaganapan sa buong kapistahan, lalo’t higit ang mismong Traslacion,” pahayag ni Lacuna sa kanyang maiksing mensahe.
“At dahil ilang milyong mga tao ang inaasahangdumagsa sa susunod na mga araw, mula mamayahanggang sa Huwebes dito sa may Quirino Grandstand at hanggang doon sa paligid ng simbahan ng Quiapo, inaasahan tayo ng Simbahan at ng buong sambayanan na ang pamahalaang- lokal ng Maynila at ang pamahalaang national, gayundin ang mga pribadong samahan ay tulong-tulong sa pagbibigay katiyakan na ang lahat ay magiging maayos at ligtas. Ilang buwan narin naman nating napaghandaan ang ating mga pinag-isipan, pinag-aralan at pinagplanuhang mga hakbang para sa ikatatagumpay ng pagdiriwang na ito para sa Poong Hesus Nazareno,” dagdag pa nito.
Ang ‘Traslacion’ ay isang prusisyon ng 400-taong gulang na imahe ng Itim na Nazareno muka Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church. (ANDI GARCIA)