Advertisers

Advertisers

Pagtanggal sa subsidy ng gobyerno sa PhilHealth, malaking insulto at kalokohan —Rep. Wilbert Lee

0 24

Advertisers

IGINIIT ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na insulto at kalokohan na gamitin ang pondong kailangang-kailangan para sa mga dagdag na serbisyong pangkulusugan sa mararangyang okasyon o ilipat ito sa mga proyekto na hindi naman ikamamatay ng mga Pilipino kung hindi maipagawa.

Mensahe ito ni Lee sa harap ng pagtanggal sa subsidy ng gobyerno sa PhilHealth sa ilalim ng 2025 national budget.

Para kay Lee, isang malaking kasalanan na hindi ibigay ang pondo at suporta na kaya namang ibigay, at sa halip ay gamitin lang ito kung saan iilan lang ang makikinabang.



Samantala, hiniling naman ni Lee sa PhilHealth na gawing pangunahin sa new year’s resolution nito ngayong 2025 na palawakin pa ang health benefit packages nito para sa mga Pilipino lalo’t may sapat namang pondo para ito ay tuparin.

Samantala inihirit naman ni Congressman Lee ang paglikha ng isang programa upang mabigyan ng voucher ang mga mahihirap na may sakit na kanilang magagamit sa pagbili ng kinakailangang gamot.

Sa panukalang Free Medicine Act (House Bill 9797), sinabi ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na hindi lahat ng gamot ay makukuha ng libre sa mga ospital at formularies ng gobyerno na dahilan kung bakit mayroong mga mahihirap na pasyente na hindi nakakainom ng gamot.

Ang problemang ito aniya ang nais na tugunan ng HB 9797 dahil ang ipinapanukalang voucher ay magsisilbing pambili ng gamot sa mga pribadong botika.

Sa ilalim ng panukala ay isang mekanismo rin ng accreditation ang itatayo para sa mga health care medicine provider upang matiyak ang kalidad ng gamot at maaasahang suplay nito.



“By instituting a Medicine Voucher Program, we aim to unburden our countrymen fellow Filipinos who are in dire need of their medicine expenses and provide them with a system where they can access and get the necessary medicines both in the government hospitals/formularies and accredited pharmacies,” sabi ni Lee.

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.