Advertisers
NANINIWALA si Fr. Flaviano Villanueva na makakamit ang hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings na konektado umano kay dating pangulo Rodrigo Duterte.
Isa si Villanueva sa mga pari na tumulong upang makalabas na ng Pilipinas ang whistleblower at dating hitman na si Edgar Matobato, na tumestigo tungkol sa death squad ni Duterte sa Davao.
Umaasa si Matobato na gawin siyang testigo ng International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon sa posibleng crimes against humanity ni Duterte.
“The pursuit of justice is long and arduous, but with Edgar out of the Philippines, we are one big step closer to bringing Duterte to account,” ani Villanueva sa special report ng New York Times.
Dating kinasuhan ng sedition si Villanueva at isa pang pari dahil sa pagbatikos sa madugong war on drugs ni Duterte. Napawalang-sala sila.