Advertisers

Advertisers

Boxers Petecio, Villegas tatanggap ng PSA President’s Award

0 11

Advertisers

BOXERS Nesthy Petecio at Aira Villegas ay tatanggap ng President’s Award sa isasagawang 2024 San Miguel Corporation -Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards ceremony sa Manila Hotel Grand Ballroom se Enero 27.

Ang dalawa ay nagdeliver ng tig-isang bronze medals sa 2024 Paris Olympics, dagdag sa 2 gold medals mula sa Gymnast Carlos Yulo sa men’s floor exercise at vault events.

Dahil sa kanyang historic achievment, Yulo ay gagawaran ng pinakamataas na karangalan bilang 2024 Athlete of the Year sa panahon ng proceedings.



Petecio nakupo ang bronze sa women’s 57kg division,habang si Villegas nakamit ang parehong kulay sa 50kg class.

Ang bronze sa Paris ay ang pangalawang Olympic medal para sa 32-year-old Petecio, na nagbulsa ng silver sa 2020 Tokyo Games.

Siya ang naging unang Filipino boxer na nagwagi ng back-to-back medals sa quadrennial event.

Villegas, 29 nagdebut sa Paris Olympics ang underdog sa limang miyembro ng Philippine boxing team.

Executive of the Year, major awardees sa ibang isports, Mr. Basketball sa professional at amateur ranks, Ms. Volleyball, at ang Tony Siddayao Awards para sa athletes under 17 years old ay pararangalan rin sa ceremony na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Senator Bong Go, Januarius Holdings, PBA, 1-Pacman Party List, AcroCity, PVL, Akari, at Rain or Shine.



Philippine Olympians at Paralympians ay kilalanin rin habang ang iba pang iconic Filipino athlete ay nakatakdang ilukluk sa PSA Hall of Fame.