Advertisers
Wagi at napag-tagumpayan natin tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 na nakatuntong pa rin ang dalawang paa sa mundong ibabaw.
Congratulations sa ating lahat na nakayanan ang lahat ng pagsubok,mga hamon sa buhay at sakripisyo dulot ng taon 2024.
Isa na namang panimula ang tatahakin natin at dapat tapusin hanggang dulo at ito ang bagong taon 2025 na kung saan wala pang nakakaalam ng magiging kaganapan.
Muli sana tayong maging matatag, malakas at matapang upang harapin ang mga bagay na inaasahan at ang hindi inaasahan.
Isang aral lang ang dapat nating pakatandaan at ito ang pagkakaisa at bayanihan ng bawat Pilipino.
Kung nagawa nating harapin ang pandemya at kung anu-anong kalamidad noon mga lumipas na taon, siguradong makakayanan din natin ang anumang idudulot ng bagong taon nating haharapin.
Sa pagbungad pa lang ng taon 2025 ay marami tayong kakaharaping situwasyon tulad ng Traslacion at Pista ng Tondo na kung saan ngayon pa lang pinapag-usapan ang preparasyon at kung ano ang dapat gawin.
Saksi tayong lahat na ang mga selebrasyong ito ay dinadaluhan ng milyong katao at mga debotong namamanata.
Walang kasiguruhan kung mapapanatili ng gobyerno ang kaayusan at kalakaran sa mga kaganapang ito.
Tanging Diyos lamang ang nakakabatid at dapat nating hingan ng gabay at patnubay sa lahat-lahat.
Magaganap din sa Mayo 2025 ang mid-term election na kung saan nakasalalay sa ating mga hinalal na kandidato ang kinabukasan ng bansa.
Hindi rin maipapangakong magiging tahimik at matiwasay ito dahil sa iba-iba ang paraan ang iniisip ng mga kandidato maupo lang sila sa kapangyarihan.
Ito pa rin bang kasalukuyang administrasyon ang mamamayagpag o’ baka naman maagaw ng iba ang liderato at mayoridad ng mga mahahalal.
Ano man ang maging resulta ay tanging Diyos lang din ang makakaalam Vox Populi Vox Dei voice of the people is the voice of God.
Itong mga kaganapang ito ay inaasahan at alam nating magaganap eh papaano na ang mga hindi inaasahan tulad ng mga natural calamities, pandemia, salot, sakitat iba pa.
Come what may pero isang bagay lang ang dapat nating gawin, ito ay ang pagka-kaisa at bayanihan pa rin ng mga Pilipino anuman ang dumating.
Kailangan nating magbugkos-bugkos tulad ng isang walis tingting na lalong tumi-tibay kapag pinagsama-sama.
When the day is done, kapag hindi na talaga kaya ng power natin,wala na tayong ibang dapat talikdan kundi ang ating Panginoon, siguradong tutulungan niya tayo at gagawa ng paraan.
ANOTHER YEAR’S OVER, A NEW ONE HAD BEGUN… MABUHAY!!!