Advertisers
SA pagpagpasok ng bagong taon 2025 kaagad nagsagawa ng operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga operatiba sa paliparan kungsaan nasamsam ang humigit- kumulang sa 10.7 kilos ng shabu, tanghali ng Lunes, Enero 6, 2025.
Batay sa report na isinumite ng PDEA-NCR sa tangapan ni Director General Moro Virgilio Lazo, nangyari ang operasyon sa Custom Exclusion Room, International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City.
Sa operasyon, nasamsam ang nasa 10.706 kilo ng shabu na nakatago sa abandonadong bagahe at nagkakahalaga ng P72.8m.
Batay sa tag sa inabandunang bagahe, ito ay mula sa Johannesburg, South Africa na may connecting flight papuntang Manila.