Advertisers
Base sa isinagawang survey ng OCTAResearch, na isang pribadong polling, research, at consultation firm na nakabase sa Quezon City at kilala sa kanilang mga advisory, inilabas nila ang resulta para sa mga tumatakbong Mayor sa Maynila.
Ayon sa kanilang katanungan na ‘kung ang eleksyon ng Mayo 2025, isasagawa ngayon at ang mga sumusunod na indibiduwal na kandidato sa pagka-Mayor ng lungsod ng Maynila sino ang inyong iboboto? Pipili lamang ng isang pangalan at maaari rin magbanggit ng ibang pangalang ng wala sa listahan.’
Maganda ang naging resulta ng naturang survey lalo na kay Raymond Bagatsing, na mula nang magsumite ng Certificate of Candidacy (COC) noong 2024, tumaas ng dalawang hakbang patungo sa tagumpay sa Mayoralty race ng Maynila.
Isang maliit na tagumpay, ngunit malaki ang ibig sabihin para sa mga ManileƱo na nananabik sa mas makatarungang pamamahala sa lungsod ng Maynila.
Kasabay ng pagpasok ng Bagong Taon, naging mas mainit ang pagtanggap at suporta mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa tambalang Ocampo-Bagatsing, kung saan kumakandidato bilang Vice Mayor si Pablo āChikeeā Ocampo at naghahangad na maging Mayor ng Maynila si Raymond Bagatsing.
Buong-pusong sumusuporta ang PFP, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos kay Bagatsing upang maging kinatawan ng partido sa halalan sa 2025.
Isa itong malaking hakbang para sa tambalang Ocampo-Bagatsing at isang patunay ng tiwala at pangako sa mas magandang bukas para sa Maynila.