Advertisers

Advertisers

TRIPLE “A” NI NCRPO CHIEF ABERIN, DINAGSA NG MGA GAMBLING LORD?

0 29

Advertisers

PARANG baterya animoy na “lowbat” ang programang Tiple “A” ni NCRPO Chief, PBGen Anthony Aberin dahil saan mangsulok sa metro manila ay magsulputan ang ibat-ibang uri ng iligal na sugal.

Patunay ang gabi-gabi na sugal lupa na “color games at drop ball” na front ay peryahan na hindi bababa sa sampung lamesa bawat perya ang “gambling table” na ang operasyon ay pamorningan ayon sa reklamo ng ilang concern citizen partikular na dyan sa may Banawe St. corner Retiro St. Quezon City, Barangay 163 Santa Quiteria Caloocan, Barangay Sto Niño at Bayanan Muntinlupa City at malapit sa Cockpit Arena ng Pateros ng mga kilalang untouchable na gambling operators na diumanoy naisisingit ang simpleng pagtutulak ng droga.

Ilang taon din na nanahimik ang mga gambling lord/operators na ito sa metro manila ng maupo si dating NCRPO Chief, PMaj Gen. Melencio Nartatez Jr. dahil buhay na buhay ang “No Take” Policy nito kung kaya’t marami sa mga opisyal lalo na district directors ang sumunod sa kanyang panuntunan.



Ang nakapagtataka ay kung paano ito nakakalusot kay Aberin gayong sinabi nito na patuloy niyang gagawin ang paglaban sa mga iligal na operasyon at patuloy na pagsisilbihan ang mga mamamayan tungo sa pagbabago kaya kailangan umano ng bawat pulis, babae o lalaki man, ay kailangang taglayin ang “AAA” o ABLE, ACTIVE at ALLIED.

Naniniwala din ang top cop ng Metro Manila na para mapagtagumpayan ang iniatang sa kanyang balikat ay kailangan ang “Back to Basic” at higit na pagtuunan ng pansin ang ‘crime prevention at crime solution’ kasi nga naman ang pangunahing tungkulin ng mga alagad ng batas ay pagpigil at paglutas ng krimen.

Mariin din na sinabi ni Aberin sa kanyang speech na hindi mapagtatagumpayan ang anomang layunin kung mag-isa lang kaya naman pagtutuunan ng pansin ang tatlong “A” na nataon din na inisyal ng kanyang pangalan.

ABLE na ang ibig sabihin ay nagtataglay ng mga kakayahang kailangan upang magawa ng matagumpay ang trabaho. Kaya nga ang mga pulis dapat ay mabigyan ng tamang training at paangatin pa ang kanilang kaalaman at husay sa teknolohiya.

ACTIVE na nangangahulugang laging handa ang mga pulis upang mapigilan ang krimen at pagbutihin pa ang pagbibigay solusyon sa kaganapan kaya naman mas patatatagin pa ang mga operasyon sa lahat ng uri ng operasyon bukod pa sa mismong paglilinis sa kanilang hanay.



ALLIED na ang ibig sabihin ay kikilalanin ang kahalagahan nang pakikipagkaibigan at pakikipagtulungan sa mga stakeholder kabilang ang mga tao sa pamahalaan pribadong tanggapan, civil society group at media upang mas lalong mapalaki ang samahan at magtagumpay sa nais na marating sa pamamagitan nang sama-samang pagtupad sa tungkulin.

Ang programa at estratehiyang ito ayon kay Aberin ay kanyang palalakasin ang kampanya kontra sa lahat ng klase ng iligal at kriminalidad sa pamamagitan umano ng pakikipag tie-up sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ang tanong ng mga residente sa metro manila ay kung kaya ba itong magawa sa kamaynilaan gayong lantad na uli ang presensya ng iligal na sugal maging ang droga na umabot na sa P12.2 bilyong piso ang halaga ng ilegal ng mga nakumpiska ng pamahalaan mula Enero 1 hanggang Mayo 5 nitong nakaraang taon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame, resulta ito ng 17, 099 anti-illegal drugs operation na isinagawa sa loob ng nabanggit na panahon, kung saan naaresto ang 20,920 drug suspects.

Kabilang sa nakumpiska ng mga otoridad, ang shabu, marijuana,kush marijuana at cocaine.

Sinabi ni Fajardo na simula nang maupo si Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. noong July 1, 2022, umabot na sa P33.2 bilyon na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Samantala nitong January 3, 2025 isang 26-anyos naman na lalaki ang nakuhanan ng high-grade marijuana (kush) sa Barangay Immaculate Conception, Quezon City. Nakasilid ang aabot sa 223 gramo ng kush sa kahon ng gatas na nagkakahalaga ng P334,500. Naaresto ang apat na indibidwal sa iligal na droga sa Metro Manila kabilang na ang P23 milyon anti-illegal drugs operation sa Caloocan City.

Alam kaya ni Aberin na ang sugal ay krimen, na walang pinag-kaiba sa droga dahil pareho itong nakakaadik. Pero kung magsasawalang kibo at walang gagawing aksyon dito si Aberin posibleng lumaganap na naman sa metro manila ang samut-saring iligal.

Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.