Sunshine P1.5-M ang pa-Christmas gifts sa showbiz press; Sen.Bong ayaw na itago ang mga anak sa labas
Advertisers
Ni Jimi Escala
KUNG meron mang aktres na malapit ngayon sa puso ng press nung kapaskuhan, yun ay walang iba kundi si Sunshine Cruz .
Halos lahat kasi ng press ay pinadalhan ni Sunshine ng kanyang Christmas gift na grocery items from Landers, huh!
Banggit pa sa amin ng isa sa malapit kay Sunshine na more than P1.5m daw ang binayad ng aktres sa Landers para sa pa-Christmas niyang yun sa mga mahal niyang mga taga- media, huh!
Nang pumanaw ang isa sa pinakamalapit kay Sunshine na si Ed De Leon ay di mapakali ang aktres.
Nang mabalitaan pa lang niyang inatake si Kuya Ed at kailangan maitakbo agad sa hospital ay isa sa agad nagpakontak si Sunshine ng ambulansiya, huh!
Kaya kahit panahon ng Kapaskuhan at super busy rin ang aktres sa iba’t ibang commitments ay dinalaw at nagtagal ng ilang oras sa burol ang aktres para sa mahal niyang veteran entertainment journalist na si tito Ed.
Isa sa tagapagtanggol at masasabing kaibigan sa showbiz ni Shine si kuya Ed, huh!
Madalas silang nag-uusap sa pamamagitan ng Facebook messenger at naalala pa nga ni Sunshine na minsan nagugulat na lang siya sa mga write ups at pagtatanggol ng kanyang tito Ed.
Kaya kahit may importanteng showbiz commitment daw siya sa araw ma yun ay tumagal ng ilang oras at nagbigay ng tulong si Sunshine sa burol ng kaibigang manunulat, huh!
***
SA nakaraang mediacon ni Senator Bong Revilla para sa top rating show niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay hindi itinago ng magaling na senador at action star ang mga anak niya sa labas, huh!
Kumbaga, bukod sa mga anak niya kay Cong. Lani Mercado ay nagkaroon din ng mga anak si Sen. Bong sa ibang babae, huh!
Siyempre, kahit paano ay masakit yun para sa legal wife ni Senador na si Congw. Lani
Pero nagpakatotoo lang naman si Sen. Bong at ayaw din niyang masaktan ang mga anak niya sa labas sakaling mag “no comment “ pa siya huh!
Kaya naman siyempre sana huwag na raw palakihin pa ang isyu, huh!
Kumbaga, knows naman natin ang nararamdaman ni Cong. Lani, huh!
Para kay Sen. Bong ayaw niyang itago ang mga ganitong isyu dahil mga bata ang involved.
Ayaw naman daw niyang magsinungaling at naging totoo lang siya sa mga entertainment press na malapit sa kanya. Kaya ganun na lang ang puri at respeto ng lahat sa senador at sa pagiging totoo nito.
Pero para kay Sen. Bong, si Cong. Lani pa rin ang pinakamatinik na misis.
“Ang matinik na misis sa akin, ‘yung matalino, mapagmahal, may puso, at sensitive sa lahat ng mga ginagawa ko.
“At sensitive sa lahat ng ginagawa niya sa tao. ‘Yun ang isang matinik na misis para sa akin. Si Lani ‘yon, ‘di ba?,” sey pa ni Sen. Bong .
Nagpapasalamat siya sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya, lalo na ang buo niyang pamilya na nakasama niya sa Pasko at Bagong taon.
“Meron pa akong bagong apo. Tapos meron akong lawyer, meron akong anak na doktora, ‘di ba?” sabi ni Sen. Bong na excited sa bagong apo niyang si Baby Matti, ang anak nina Gianna at Jed Patricio.
“Tapos we’re OK in the survey. We’re doing very well in the survey. Andaming blessings. Nakikita n’yo I’m everywhere. Umiikot tayo buong Pilipinas. Nakagawa pa ako ng project na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, but ‘yung trabaho ko sa Senate, I’ve never been late. Never been absent. Perfect attendance po ako. At marami tayong performance sa Senado,” banggit pa ng senador.
Incidentally, maraming naipasang batas si Sen. Bong at isa na rito ay ang Revilla Law na para sa mga senior citizen.
Kaya doon pa lang at bilang isa sa nga senior citizens ay malaki ang pasasalamat namin kay Sen. Bong lalo na sa ipinadala niyang tulong para sa 89-year-old mother naming binawian ng buhay last November.
At sa totoo lang, wala sa lahat ng nagpa presscon last Christmas including the filmfest entries ang makakatalo sa mediacon ni Sen. Bong para sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”, huh!