Advertisers

Advertisers

Pahalik sa Quirino Grandstand umarangkada

0 15

Advertisers

Pinasimulan na ang tradisyunal na pahalik sa Poong Hesus Nazareno pagkatapos idaos ang banal na misa sa Quirino Grandstand nitong Lunes, Enero 6.

Binasbasan muna ang mga tauhan at volunteers ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na kaiisa sa pagpapatupad ng kaayusan ng aktibidad ng Kapistahan ng Quiapo kabilang rito ang mga miyembro ng media.



Sinimulan ang Misa 6:00 ng gabi na pinangunahan ni Fr. Robert Arellano, ang tagapagsalita ng Nazareno 2025 sa pag-aalay ng panalangin sa mga volunteer.

“Ang pagsunod sa Poong Nazareno ay pagpapanatili sa Diyos at sa pagsunod sa kanya ay hindi nagtatapos lamang sa mga gawain sa Traslacion kundi ang pagsusumikap na sa mga darating na araw ipagpatuloy pa rin ang gawain ng Diyos,” mensahe ni Fr. Arellano.

Nagpapasalamat naman si Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng Quiapo church  sa mga volunteers na nakibahagi sa babal na misa.

Dapat sanang bukas pa, Enero 7  ang pahalik sisimulan ng madaling araw nguni’t dahil marami na ang pumila kaya pinayagan na rin makalapit sa imahe ng Nazareno ang mga deboto upang makahawak, punas ng kanilang mga dalang bimpo.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">