Advertisers
BUKSAN ni Lito Adiwang ang kanyang kampanya sa 2025 laban kay Keito Yamakita sa Pebrero 8.
Ang Adiwang-Yamakita bout ay bahagi ng ONE Fight Night 28 card sa Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand.
Sasabak si Adiwang sa laban bitbit ang three-fight winning streak, at ang panalo laban sa No.5 ranked fighter ang muling magtulak sa kanya pabalik sa MMA strawweight rankings.
Ang 31-year-old ay nangako na hindi nya bibiguin ang fans sa kanyang pagbalik sa ONE stage na puntirya ang kanyang ika-apat na sunod-sunod na tagumpay simula bumalik mula sa ACL tear sa 2023.
“To my fans and supporters, Happy New Year! And I promise to make it even happier by announcing my return in the ring this February 8,” Wika ni Adiwang.
“My new year has been silent because I am saving all the fireworks [for] fight day, so don’t miss it,” dagdag nya.
Pinaikli ni Adiwang ang kanyang holidays, at walang New year’s celebrations para sa Filipino fighter.Gayunpaman, ang sakripisyo ay maging makabuluhan habang naghahanda para kay Yamakita.
“He’s a grinder, that’s why I’m truly preparing for this fight,” Sambit ni Adiwang.
Makakasama ni Adiwang sa card ang matalik na kaibigan ex-teammate Jeremy “The Juggernaut” Pacatiw na babalik rin sa aksyon sa gabing iyon.
Makakasagupa ng “The Juggernaut” si Ibrahim Dauev sa bantamweight MMA bout, kung saan may pagkakataon na masungkit ni Pacatiw ang kanyang pangatlong dikit na tagumpay sa promotion.