Advertisers

Advertisers

Jillian ayaw ilantad ang Chinito guy na crush; Ruru sure na, si Bianca na ang pakakasalan

0 13

Advertisers

Ni Rommel Placente

SA guesting ni Jillian Ward sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, natanong siya kung Chinito ba o moreno ang tipo niya sa isang guy.

Sagot ni Jillian, “Chinito-moreno. Always.”



“Moreno-chinito. Maraming nagsasabi, ‘Si Michael Sager ba ang tinutukoy ni Jillian?’” hirit na tanong ni Kuya Boy.

“Actually, ang dami pong nag-iisip na siya. Pero masasabi ko po ang tinutukoy kong crush na ito, actually hindi siya ganu’n kamoreno, hindi ko na-clear ‘yun.

“And naka-work ko ‘yung crush kong ito sa Abot-Kamay Na Pangarap,” esplika ni Jillian.

Pero talagang hindi siya napilit ni Kuya Boy na pangalanan ang naturang aktor.

Sey ni Jillian, “Nabulong ko kasi kay Tito Boy!”



Nag-promise naman ang TV host na never niyang ilalantad ang identity ng naturang Chinito-moreno actor.

Sey pa ni Jillian, hindi raw siya yung tipo ng babae na namamansin sa kanyang crush. Pero inamin niya na apat na guys na ang nagpaparamdam ngayon sa kanya.

Samantala, pagkatapos magbida sa Abot Kamay Na Pangarap, may bagong serye si Jillian sa GMA 7, na siya muli ang bida. Ito ay ang My Ilonggo Girl, na dalawang karakter ang ginagampanan niya.

Ito ay sina Venice Hermoso, isang sikat na internet personality, at pretty Ilongga na si Roberta “Tata” Magbanua.

Mapanonood na ang My Ilonggo Girl sa January 13, 9:35 p.m. sa GMA Prime.

***

HANDANG-HANDA nang magpakasal si Ruru Madrid. At sigurado na siya, na ang girlfriend na si Bianca Umali ang babaeng gusto niyang iharap sa dambana.

Bukod sa ipinakitang pagmamahal sa kanya ay ang dalaga raw ang talagang tumulong at sumuporta sa kanya para marating kung nasaan man siya ngayon sa showbiz.

“Sabi ko nga, hindi ko po mararating ‘tong kung nasaan po ako, hindi ko makukuha ‘tong mga ‘to kung hindi ko po nakilala si Bianca,” sabi ni Ruru sa panayam sa kanya ng 24 Oras.

“Sobrang mahal ko ‘yung taong ‘yon. Parang ‘yung sabi ko nga, ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko, ‘yon na ‘yung dumating si Bianca sa buhay ko.

“Hindi ko ma-explain kung gaano ko siya pinahahalagahan at kung gaano siya ka-importante sa ‘kin,” aniya pa.

At sa tanong nga kay Ruru kung nakikita na ba niya ang sarili na ikinakasal kay Bianca, “Yes. Kung ako masusunod, kung puwedeng ngayon na, ‘di ba?”

“Bakit mo pa patatagalin ang isang bagay kung nahanap mo na eh ‘di ba? And alam ko sa sarili ko na hindi na ako makakahanap ng tulad ni Bianca,” katwiran pa ng tinanghal na Best Supporting Actor sa MMFF 2024 Gabi Ng Parangal para sa pelikula nila ni Dennis Trillo na Green Bones.