Advertisers

Advertisers

Jak manloloko kaya hiniwalayan ni Barbie?!

0 48

Advertisers

Ni Beth Gelena

IBINIDA ni Jake Ejercito ang commercial niya kasama ang anak na si Ellie.

First time ever ni Ellie ang commercial ng isang food chain kung saan kasama niya ang amang si Jake.



Sa social media ng actor, the celebrity dad flaunted his and Ellie’s precious moments from the ad.

The actor also included an adorable hashtag about their collaboration with the fast-food chain.

May adorable hashtag na nilagay si Jake, “#JEllie x Jollibee.”

Komento ng netizens, “Father and daughter enjoy and love each other. Happy to see u both”

“Cute nyo mag ama”



“Beautiful closeness…wagi” “Wow may kwentong Jollibee na sila cute cute”

Tiyak na hindi eto ang una at huling commercial ng anak nina Jake at Andi Eigenmann.

***

MOMMY NI BARBIE MAY NAUNANG QUOTE POST NA ENIDET

BAGO ang breakup post ni Barbie Forteza kay Jak Roberto ay may nauna nang post ang ina ng Kapuso aktres.

Nagpost ng quote si Mommy Amy bago ang breakup post ng anak.

Kinumpirma ni Barbie sa kanyang Instagram ang hiwalayan nila ni Jak matapos ang pitong taong relasyon.

Nagbigay-pahayag ang kapatid ni Barbie na si Gabrielle Vierneza ng suporta sa post na may mensaheng “Gusto ko happy ka.” Naging usap-usapan ang Instagram story ng ina ni Barbie na kung saan binago nito ang mensaheng naglalaman ng salitang “did quit” Nanatiling positibo ang post ni Barbie tungkol sa kanilang hiwalayan habang nagpapasalamat siya sa mga taong kanilang pinagsamahan.

Nagulantang ang online community nang maglabas si Kapuso Primetime Princess Barbie ng anunsyo ng kanilang hiwalayan ng Kapuso actor.

Kasunod nito, naging usap-usapan ang mga post ng kanyang ina.

Nagpost siya ng quote bago ang breakup post ng anak.

Unang nagsama ang tambalang JakBie sa seryeng Meant To Be ng Kapuso network, na siyang naging daan upang umusbong ang kanilang pagmamahalan.

Sa loob ng pitong taon, naging matatag ang kanilang relasyon na inaasahan pa ng kanilang mga tagahanga na mauuwi sa panghabambuhay na pagsasama.

Sa isang nakakagulat na post sa Instagram, kinumpirma ni Barbie ang kanilang hiwalayan. Bagama’t hindi ibinahagi ng aktres ang detalye ng dahilan, nagpasalamat siya kay Jak sa mga masasayang taon na kanilang pinagsaluhan. “I’m grateful for everything we’ve shared,” ani Barbie sa kanyang post na puno ng positibo at pasasalamat. Naging sentro ng diskusyon ang Instagram story ni Amy Forteza, ina ng aktres.

Isang makabuluhang quote ang kanyang ibinahagi, ngunit binago ang isang bahagi nito. Ang orihinal na mensaheng, “No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and didn’t quit,” ay inedit kung saan nilagyan ng “X” ang salitang “didn’t,” kaya’t naging, “but you stayed strong and did quit.”

Sa quote, malinaw na isinulat ni Amy ang mensaheng, “I’M SO PROUD OF YOU.” Ibinahagi ito sa X at agad na ikinonekta ng netizens sa hiwalayang inamin ni Barbie.

Nananatiling tikom naman ang bibig ng aktres sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. .Hindi naman iniwan ng tagasuporta ang pagmamahal sa kanya ng fans.

“Ikaw pa rin ang aming prinsesa, Barbie!” pahayag ng ilang netizens sa comment section ng kanyang social media.

***

KAYA raw nakipaghiwalay si Barbie Forteza ay dahil sa akusang isa umanong cheater ang Kapuso actor.

January 2 nang ibahagi ni Barbie sa kanyang Instagram post na tinuldukan na niya ang pitong taon nilang relasyon ni Jak.

Barbie’s post was filled with positivity despite the end of a chapter in her life and she also had good words for the years she spent with the actor.

Ang JakBie breakup ang first celebrity breakup ngayong 2025.

Sa social media personality @KafosoMo ay shinare niya ang screenshot of Barbie’s social media post announcing the breakup and the caption was intriguing.

“Barbie Forteza finally saying goodbye to her ex cheater bf!” ang caption ng social media personality.

Na-shock ang netizens by the statement against Jak while some believed this and even showed support for this claim.

“Wait, WHAT MOMSHIEEEEE???” tanong ng netizen kay @KafosoMo.

Sagot ng social media personality, “Naku teh matagal na. Ask mo yung starlet na nag shupit balur sa BQ.”

Ang tinutukoy niya ay ang Vivamax actress na si Ava Mendez.

Aniya, last 2023, Jak was touchy and aggressive when he was drunk.

Jak and Ava attended a birthday party and the actor got drunk really hard. Ava said that they were photographed being so close to each other but she said that it was just because the actor was too drunk that he could fall on the floor if he was not leaning on her.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ang aktor ng rason sa breakup nila ni Barbie and the allegations that he cheated on her.