Advertisers
LUMABAS na ng bansa si Edgar Matobato, ang umaming “hitman” ng Davao Death Squad na pinamumunuan ni dating Pangulo Rody Duterte, matapos ang ilang taon na pagtatago.
Ang 65-anyos na Matobato ay gumawa ng kanyang “last confession” sa panayam ng New York Times, idinetalye kung paano niya pinatay at itinapon ang mga katawan, bilang bahagi ng death squad sa ilalim ni noo’y Davao City mayor at dating pangulong si Rodrigo Duterte.
“For almost 24 years, I killed for Duterte—24 years, 24 years,” sabi niya sa NYT. “I will face what I did. But Duterte, he must be punished by the court and by God.”
Sinabi niyang nakapatay siya ng 50 katao para kay “Superman”, at kumukuha ng suweldo mula sa City Hall ng P5,800 at “receiving envelopes of cash for successful hits”
Si Matobato ay nagawang makalabas ng bansa kasama ang dalawang paring Katoliko na silang nakipag-usap sa kanyang pagtakas sa bansa. Ang dalawa pang miembro ng Davao Death Squad ay nakalabas narin ng bansa, ayon sa ulat ng NYT.
Sinabi niya rin sa New York-based outfit ang tungkol kung paano ang kritiko ni Duterte na si dating Senador Leila de Lima ay nalagay sa “hit list”.
Si De Lima, dating chair ng Commission on Human Rights bago naging Justice Secretary at naging Senador, kasama ang kanyang team, ay nakahukay ng mga buto sa “mass grave” sa loob ng Laud quarry sa Barangay Ma-a.
“We waited, but she never came,” sabi ni Matobato. “We failed in our mission.”
Noong September 2016, si Matobato ay nag-testify sa Senate committee on justice and human rights’ probe hinggil sa mga pagpatay kaugnay ng war on drugs. Sinabi niyang nakita niya si Duterte na binaril ng Uzi submachinegun ang isang tao noong alkalde pa ito.
Sinabi naman ni Duterte na hindi niya personal na kilala ang self-confessed hitman sa ambush interview.
Ang kanyang handler, si dating SPO3 Arturo Lascañas, na noong una’y dinenay ang mga isiniwalat ni Matobato, ay nagsabi kalaunan na halos lahat ng ibinunyag ni Matobato sa Senado noong Pebrero 2017 ay may katotoha-nan.
Nitong Jan. 6, ibinahagi ni de Lima itong New York Times article, binanggit na “takes extraordinary resolve” ang pag-amin sa isang krimen sa mundo.
“It’s a sad reality that most Filipinos do not yet fully realize the gravity and monstrosity of a Filipino President ordering the killing of more than 20,000 of his fellow Filipinos, and his continued impunity,’ post niya sa X.