Advertisers

Advertisers

Entablado sa pahalik nakalatag na sa Quirino Grandstand

0 11

Advertisers

NAILATAG na ang lahat ng paghahanda para sa tradisyunal na ‘pahalik’ sa Poong Jesus Nazareno.

Sa Quirino Grandstand, natapos na ang pagsasaayos sa paglalagyan ng imahe sa pagtutulongan ng lokal na pamahalaan ng Maynila, MMDAA at pamunuan ng Simbahan ng Quiapo.

Nakapagtayo narin ng barikada at mga tolda para sa pila ng mga deboto, at natapos narin ayusin ang entablado para sa pahalik, pagsasagawa ng programa at misa.



Alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 7 ang opisyal na simula ng pahalik, pero ayon sa pamunuan ng simbahan ng Quiapo, maaari itong isagawa ng mas maaga.

Ito’y kung may mga deboto na ang maagang pipila matapos ang misa para sa volunteers ng 6:00 ng gabi.

Base sa nakuha nating impormasyon, ang imahe ng Poong Jesus Nazareno at andas ay nasa Quirino Grandstand narin pero hindi pa ito inilalabas sa publiko. (Jocelyn Domenden)