Advertisers

Advertisers

DOLE HINIKAYAT MGA KASAMBAHAY IREKLAMO ANG AMONG ‘DI NAGPAPASAHOD NG TAMA

0 17

Advertisers

NAGBABALA ang pamahalaan na may karapatan ang mga kasambahay na magsampa ng reklamo laban sa kanilang amo kung hindi sila binabayaran ng tamang sahod.

Ginawa ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez ang pahayag kasunod ng pag-arangkada ng limandaang pisong umento sa sahod para sa mga kasambahay sa Metro Manila.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, isiniwalat ni Benavidez na karamihan sa mga reklamo ng kasambahay ay may kinalaman sa underpayment of wages.



Aniya, maaaring dumulog ang mga ito sa mga tanggapan ng DOLE upang ipahayag ang kanilang mga hinaing.

Bukod sa tamang sahod, entitled din ang mga kasambahay sa iba pang benepisyo tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Kapag ang isang kasambahay ay kulang sa sahod, sinabi ni Benavidez na malaki ang posibilidad na hindi rin wasto ang kanilang kontribusyon o remittance sa mga ahensyang ito.

Dagdag pa ng opisyal, apektado rin ang iba pang karapatan ng manggagawa tulad ng service incentive leave at 13th month pay kapag sila ay underpaid. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">