Advertisers

Advertisers

Comelec sinimulan na paglimbag ng 73M balota

0 9

Advertisers

UMARANGKADA na nitong Lunes ang pag-imprenta ng 73 milyong balota na gagamitin sa midterm elections at sa unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang ibinahagi ng Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia at aniya ang pag-imprenta ng mga balota ay tatagal ng 77 araw — o hanggang ika-14 ng Abril.

Ayon kay Garcia, may priority list ang Comelec sa pag-imprenta ng mga balota, kabilang na ang para sa 11,000 na Filipino na nasa ibang bansa, gayundin ang gagamitin sa eleksyon sa BARMM.



Sinabi ni Garcia, inaasahan nila na makakapag-imprenta ng 800,000 hanggang 900,000 na balota kada araw.

Sinabi rin ng opisyal na itutuloy nila ang pag-imprenta ng mga balota bagama’t may mga umapila na mga diniskuwalipikang kandidato sa Korte Suprema.

Higit 300 na naghain ng certificate of candidacy (COC) ang idineklarang “nuisance candidates” ng Comelec.