Advertisers
KINUWESTYON ni dating House Deputy Speaker Erin Tañada ang pagbatikos ni Atty. Salvador Panelo, at tinawag pang “dirty politics”, ang pagtanggal ni President Ferdinand Marcos, Jr. kay Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng National Security Council (NSC).
Ipinaalala ni Tañada kay Panelo na pinagbawalan din ni dating pangulo Rodrigo Duterte, ama ni VP Sara, si noo’y Vice President Leni Robredo na dumalo sa alinmang pulong ng NSC.
Sa kanyang post sa X nitong Enero 4, sinabi ni Tañada na kung “wrong” para kay Panelo ang ginawa ni Marcos ngayon kay VP Sara, ibig daw bang sabihin ay “also wrong” ang ginawa noon ni Duterte kay Robredo?
Si Tañada ay kilalang malapit na kaalyado ni Robredo, habang si Panelo ay dating chief presidential legal counsel ng administrasyong Duterte.
Anyway, bukod kay VP Sara, tinanggal din ni PBBM sa NSC—sa bisa ng inilabas niyang Executive Order No. 81—ang mga dating presidente ng bansa na awtomatikong miyembro nito—sina Duterte, Gloria Macapagal-Arroyo, at Joseph Estrada, sinabing importanteng siguruhin ng gobyerno na “its council members uphold and protect national security and sovereignty, thereby fostering an environment conducive to effective governance and stability.”
Pangunahing hamon sa pambansang seguridad para sa administrasyong Marcos ang patuloy na pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea. Ang China ay kilala bilang malapit na kaibigan at sapul ay pinapaboran ng mag-amang Duterte. Mismo!
Ang mga nararanasan ngayon ng Duterte sa Marcos administration ay ginawa rin nila noon kay ex-VP Leni. Bumabalik lang sa kanila (Duterte) ang mga kawalanghiyaan nila noon! Mismo!
Sa totoo lang, mga pare’t mare, mas maayos itong Marcos administration kesa nakaraang gobierno ni Duterte na puros pambubu-bully sa mga kalaban sa politika at pambobola sa taumbayan ang mga ginawa. Mismo!
Oo! Dapat matauhan na itong supporters ni Duterte. Layasan n’yo na si Digong. Ginagamit lang kayo n’yan para manatili sila sa kapangyarihan at makaiwas sa kanilang mga pananagutan sa batas. Gising!!!
***
Namaho ang Maynila simula nitong Bagong Taon. Hindi na kasi hinakot ng Leonel ang mga basurang nakatambak sa mga kalye ng lungsod.
Paano naman kasi magtatrabaho pa ang Leonel eh hindi raw sila binabayaran ng Manila government na pinamumunuan ni Mayor Honey Lacuna.
Sumama pa ang loob ng Leonel dahil may kinuhang dalawang kontraktor ng basura si Mayor Lacuna.
Ang Leonel ay bihasa na sa pagiging kontraktor ng mga basura sa Metro Manila. Kabisado na ng kanilang mga tao ang trabahong ito, at kumpleto sila sa kagamitan.
Oo! Panahon pa ni Atienza, Lim, Estrada at Isko ay Leonel na ang naglilinis ng kalye ng Maynila. Talagang maayos silang magtrabaho. Pero ang hindi sila bayaran ng maraming buwan, aba’y talagang titigil yan sa paghakot ng basura. Kailangan din naman nila ng pampasueldo sa kailang mga tao at pang-maintenance sa kanilang mga trak noh!!!
Sa totoo lang nahaluan ng politika itong pagpatalsik sa Leonel. Identified kasi sa nagbabalik na mayor, Isko Moreno, ang garbage contractor na ito.
Anyway, 4 months nalang at malalaman natin kung mananatili pa sa puwesto si Lacuna o si Isko uli ang uupo sa Maynila.
Abangan!