Advertisers

Advertisers

2 tulak timbog sa Caloocan

0 26

Advertisers

Naaresto ang dalawang tulak ng illegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang senior citizen na si alyas “JR”, 61; at ang 28-anyos niyang ka-partner na si alyas “Nelson” na magkasabwat sa pagbebenta at pagpapakalat ng ilegal na droga sa Barangay 188 at kalapit barangay ng lungsod.
Sa report, 4:37 ng madaling araw nang masakote ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek sa Sampaguita St. Brgy. 188.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit’ kumulang 20 grams ng shabu na may katumbas na halagang P136,000.00 at buy bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26, at 11, sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)