Advertisers
Ni Archie Liao
PROUD na ipinasilip ni Winwyn Marquez ang kaseksihan sa kanyang latest post sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa kanyang suot na bikini, hindi mo maaaninag na nanganak na siya dahil na-maintain niya ang kurba ng kanyang balingkinitang katawan.
Marami rin ang pinahanga ng beauty queen-actress sa kanyang disiplina para maibalik niya ang kanyang pigura noong panahong hindi pa siya isang ina.
Katunayan, para sa ilan, mas fierce ang look ngayon ni Winwyn.
Pinusuan din ang photos niya ng kanyang mga kaibigan at kapwa celebrities.
Ani Cassy Legaspi: “tapakan mo ako teresita ???????”
Reaksyon naman ni Kuya Kim Atienza: “Omg!??”
Komento naman ni Megan Young: “WOOOOOOO!!!! ????????????”
Hirit naman ni Michelle Dee: “Uh huh!!!! ?????”
Sabat naman ni Nicole Cordovez: “GURL ??”
Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng netizens nang maibahagi ito sa isang portal.
Opinyon ng iba, naghahanda raw ang beauty queen sa posibleng pagsali muli sa beaucon.
Ito ang kanilang mga sey:
“mas fierce yung look nya ngayon kesa nung nanalo sha ng hispanoamericana”
“Why not, she’s got the body and the brains too anyway. Unless ang sasalihan nya may age restriction at kelangan walang asawa or anak. Baka wish nya madagdagan pa ang beauty title nya.”
“Ang sexy ni Wyn! So happy she’s in good shape!”
“Grabe parang di nanganak”
“Yes mag MUPH sya”
“Genes genes genes ??”
“Kung matangkad sana ito bongga sya for muph”
“why not! go, wynwyn!”
“I think she’s perfect for MU, kahit hindi sya katangkaran, hindi lang sya long legged”
“Mas gusto ko naman siya kaysa kay Michelle. Kinapos lang sa height.”
Kaya ng heels yan at confidence niya sa pagtayo at pagrampa. Glam team kunin niya yung kina Kim C. o mismong kay Pia. Tama ka, kadating niya impact ng performance niya at confidence ni Pia.”
“Beautiful and fit”
***
MTRCB, nakapagtala ng panibagong record matapos makapag-ribyu ng mahigit 267,000 na materyal sa loob ng 2024
Sa layuning mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng palabas, nakapag-rebyu ng mahigit 267,000 na materyal ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayong 2024.
Mas mataas ito kumpara sa 255,220 noong 2023 at 230,280 noong 2022.
Kabilang dito ang 264,424 na mga materyal para sa telebisyon, 592 pelikula, 549 movie trailers at 1,525 publicity at optical media na isinabmit ng mga producer at istasyon para mabigyan ng angkop na klasipikasyon.
Sa halos 600 na pelikula, 30 dito ay rated G (angkop para sa lahat ng manonood), 298 rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang), 251 ang R-rated, habang 13 ang na-X o hindi pinayagang maipalabas sa mga sinehan.
Bagama’t limitado lamang ang kakayahan at kagamitan ng Ahensya, ang bilang ng mga narebyu ng Board ngayong taon ay sumasalamin sa dedikasyon na matiyak na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng materyal sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng industriya ng paglikha dahil sa teknolohiya.
Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, ang lahat ng isinabmit sa Board ay nabigyan ng “age-appropriate ratings” habang balanseng tinitiyak na may malayang pagpapahayag at pagprotekta sa manonood.
“Ang malaking bilang ng mga narebyu ngayong 2024 ay sumasalamin sa aming mandato at responsibilidad na masabayan ang lumalagong industriya ng pelikula at telebisyon at matiyak na nakalinya ang mga palabas sa umiiral na batas at pamantayan,” sabi ni Sotto-Antonio.
Nagpasalamat din si Sotto-Antonio sa 30 Board Members para sa kanilang hindi matatawarang trabaho at pagiging propesyunal upang bigyan ng angkop na klasipikasyon at masiguro na ligtas ang mga materyal bago ito mapasapubliko.