Advertisers

Advertisers

UBOS MGA DUTERTE SA 2025

0 53

Advertisers

TOTOO ang Duterte Free Philippines 2025 sa layunin na mawala at maubos ng ganap sina Gongdi, pamilya, at galamay sa pulitika ng bansa sa 2025. Sisiguraduhin ng kampo ng kanilang mga kalaban na hindi sila makakaporma at makakapaghanda sa halalang pampanguluhan sa 2028. Sa maikli, gagawin ang lahat ng kanilang mga kalaban upang hindi sila makasali sa 2028.

Nag-umpisa ito nang balasahin ni BBM ang National Security Council (NSC) sa pagpasok ng 2025 at tanggalin ng walang kaabog-abog sina Sara, Gongdi at kahit ang kaalyado na sina GMA at Erap sa NSC. May katwiran na tanggalin ang apat sa NSC dahil wala silang iaambag sa pagpanday ng mga polisiya at pagpapatupad nito sa pambansang seguridad.

Kilala sina Gongdi, GMA, at Sara bilang mga masugid na kakampi ng China pagdating sa isyu ng pambansang seguridad. Kahit minsan, hindi sila nagsalita ng kontra sa Peking kahit lantaran ang pagsaklaw ng China sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea at panunuwag nila sa mga sasakyan ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga mangingisda.



Pinakamaganda na ilayo si Gongdi, Sara, at GMA sa NSC tungkol sa mga isyu sa pambansang seguridad dahil hindi tayo nakakasiguro sa kanilang katapatan. Maituturing sila na mga aso ng China dahil sa kanilang katahimikan sa gawain ng Peking sa WPS. Hindi natin maaaring ipagkatiwala sa kanila ang pambansang seguridad sahil mga kaaway sila.

May mga susunod na hakbang upang tuluyang mawala si Gongdi, kaanak, at mga tagasunod sa pulitika ng bansa. Isinampa sa Camara de Representante ang pang-apat na impeachment complaint laban kay Misfit Sara. Ang narinig namin na plano ng kampo ni BBM ay bibigyan daan ng apat na reklamong impeachment laban kay Misfit Sara bago magsara ang Kongreso sa Pebrero upang magbigay daan sa kampanya at midterm elections sa Mayo.

Isasampa ito ng Camara sa Senado upang dinggin ito bilang isang hukuman sa pagbubukas ng bagong Kongreso sa Hulyo ng taong ito. Bahagi ng plano na tuluyan si Misfit Sara upang hindi na siya makatakbo sa 2028. Ganap siyang pipilayin ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Hindi namin nakikita na mananalo si Gongdi, Baste, at Polong na kasalukuyang tumatakbo bilang alkalde, bise-alkalde, at kinatawan ng Davao City. Mabigat ang laban ni Gongdi na mukhang sakitin na at uugod-ugod sa batam-batang at pasikat na si Karlo Nograles. Kahit si Polong ay walang pag-asang manalo kay Migs Nograles sa isang patas na labanan.

Hindi namin nakikitang mananalo si Bong Go at Bato dela Rosa at sinuman sa tiket ng Inferior Davao crime syndicate na tumatakbo sa Senado. Walang “winning face” si Bong Go at hindi pinag-uusapan si Bato sa mga maaaring lumusot.



Kailangan maging malupit ng mga kalaban ng grupo ni Gongdi. Huwag bigyan ng pagkakataon sila na muling makabalik. Dala ng grupong Inferior Davao ang kapasidad upang magbigay ng maraming pinsala sa bayan. Hindi sila mangingiming ibenta tayo ng ganap sa China. Hindi natin sila mapagkakatiwalaan sa maraming isyu.

***

AALISIN ko si Arlene Brosas sa listahan ng mga kandidato sa Senado na aking ineendorso sa Mayo. Hindi ako kumporme sa pagiging dogmatiko ni Brosas tungkol sa presensya ng Estados Unidos sa Silangang Asya. Kailangan natin ang Estados Unidos upang pananggalang sa plano ng China na sakupin ang ating teritoryo. Kinakatawan ng China ang pinakamalaking banta sa kapayapaan ng rehiyon. Hindi ito dapat ipagwalang bahala.

Masyadong dogmatiko ang tingin ni Brosas sa pulitika ng bansa. Nabubuhay siya sa doktrina ng kahapon. Walang ganap na batayan ang kanyang pahayag na nilalabag ng Estados Unidos ang soberanya ng bansa. Baligtad ang tingin niya sa usapin ng pambansang seguridad. Ang China ang panganib at lumalabag sa ating soberanya at hindi ang Estados Unidos.

Nanatili ang aming sampalataya kay Heidi Mendoza, Bam Aquino, Teddy Casino, France Castro, at Kiko Pangilinan sa Mayo. Tinitingnan ko ang ibang lider obrero tulad ni Leody de Guzman, Luke Espiritu, at Sonny Matula. Kahit si Jerome Adonis. Mabuhay kayo!

***

MGA PILING SALITA: “Some people are trying to justify EJK as something necessary that serves the greater good. They’re packaging the problem as a moral dilemma: a conflict between two competing moral values… while there are times when killing is justified, murder by definition is unlawful killing, and is deemed by society to be wrong. Thus, there is no moral dilemma. Murder in whatever context and perspective is clearly illegal, and immoral. There is no justification for EJK just as there is no justification for murder.”- Mike Logico, netizen, military man, critic

“Pinakamatamis siguro ang wikang Tagalog sa liga ng mga wika. Ang pag-aasawa’y “paglagay sa tahimik”; ang mga supling, “bunga ng pagmamahalan”; at ang asawa, “kabiyak ng puso.” Maraming salitang Tagalog ang isang taong nagmamahal. Tinatawag niya ang kanyang partner ng – giliw, liyag, irog, sinta, mahal, mahal na mahal, lagim, pinakamamahal, at iba pa… Kahit natatae na, matamis pa rin ang ginagamit na mga salita ng mga Tagalog. Sasabihin sa iyo ng isang Tagalog ng pabulong: “Sandali lang. Mananabi ako.” – PL ,netizen. kritiko