Advertisers

Advertisers

Top3 Most Wanted sa kasong Rape ng Region-3 arestado

0 15

Advertisers

Makalipas halos isang taon na pagtatago sa batas nadakip na ang mga operatiba ng Bulacan Provincial Mobile Force Battalion ang top 3 most wanted sa gitnang luzon na may dalawang kaso ng Rape.

Sa report ni PCpt.Marc Henry SJ Gonzales kay PNP Provincial Director PCol.Satur Ediong kinilala ang nadakip na suspek na si Mark Sariba Y Persolo 20 anyos, residente ng Brgy,Bagong Barrio sa bayan ng Pandi.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, 6:00 ng hapon ng masukol ang suspek sa Brgy, Wawa Balagtas Bulacan.



Inaresto si Sariba, sa bisa ng dalawang Service Warrant of Arrest na paglabag sa Revised Pinal Code Article 266-A at criminal case number 6805-6806-M-2024 sa kasong Rape.

Na una ng inilabas ni 3rd Judicial Region Branch 16 Regional Trial Court Presiding Judge Hon.Sita Jose Clemente, kung saan no bail o walang piyansang inerekuminda ang korte para sa kanyang kalayaan.

Nabatid na kabilang si Sariba sa top 3 Provincial Level Most Wanted at Top 1 Most Wanted sa bayan ng Pandi at top 3 most wanted sa regional level.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa Pandi Municipal Jail.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">