Advertisers

Advertisers

Salpukan ng van: 4 patay, 2 sugatan

0 13

Advertisers

NAIUWI na sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang mga labi ng apat na magkakamag-anak na nasawi sa grabeng highway accident sa Binugao, Toril District, Davao City, umaga ng Sabado, January 4, 2025.

Kinilala ang mga nasawi na sina Remie at Edna Centena, Joy Lastimoso at Sherlyn Altimo.

Sa ulat ng Davao City Police Office, sakay ng isang air-conditioned van ang magkabiyak na sina Centena, Lastimoso at Altimo pauwi na sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat mula Davao City nang maganap ang aksidente.



Nasapol ang gilid ng sinasakyan nilang van, na minamaneho ni Omar Lastimoso, ng isa pang van mula sa kabilang direksyon ng highway na dahil sa sobrang bilis nito ay lumihis kaya nagkabanggaan, na nagsanhi din ng pagkaka-ospital ng lima pang kasama ng mga nasawi.

Agad namang naiuwi sa Barangay Awang ng mga kawani ng Datu Odin Sinsuat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga labi ng biktima.

Nasa kustodiya na ng Davao City police ang driver ng van na si Khadafy Landasan Salik. (M. Obleada)