Advertisers
LASLAS ang leeg nang matagpuan ang bangkay ng 15-anyos na dalagita sa masukal na lugar sa Barangay Anonang, Mulanay, Quezon, Biyernes ng hapon.
Kinilala ng Mulanay Police ang biktima na si “Angelita”, grade 10 student, residente ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon, 4:30 ng hapon nang makita ni “Mandani” na hinahabol ni alias “Marcelo”, na residente ng Brgy. Magsaysay, ang biktima patungo sa kagubatan sa Sitio Campalacio.
Ayon pa kay Mandani, narinig niyang umiiyak ang dalagita habang tinatakasan ang salarin.
Agad itong humingi ng tulong sa mga kalapit-bahay, nguni’t nang bumalik sila sa lugar, bumungad sa kanila ang biktima na duguan na at may saksak sa leeg.
Inaalam pa kung ginahasa din ang dalagita.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga pulis laban sa murderer.