Advertisers
Ni Jimi Escala
PAHULAAN sa mga netizen kung sino ang pinatatamaan ni Gabby Concepcion sa quote na kanyang ibinahagi sa kanyang latest Instagram post.
Sa nasabing post ay walang dudang may pinatatamaan si Gabby, ito ay tungkol sa mga taong nagmamaniobra umano ng anak para magalit sa ama nito, huh!
Banggit pa ng aktor na ang ganung klaseng gawain ay “one of the most evil things” na puwedeng gawin ng isang tao sa buhay niya.
“Manipulating a kid to make them hate their Dad is one of the most evil things a human can do,” post ni Gabby.
Siyempre, dahil very obvious na may pinatatamaan kaya may mga nakisawsaw agad at ginawang isyu huh!
May kanya kanyang reaksiyon at komento agad ang mga netizen.
“So true. It takes a great mother, one who truly loves her child, to never bad-mouth her ex-husband so that the child’s love and respect for her father are not tarnished. Someday, Papi, in God’s perfect timing, she will come to love you as your dearest eldest daughter does. Have a blessed 2025! ”
“That’s why I admire Mami Sha the most. She has become my inspiration when I too had a daughter with an absentee dad. It takes a strong woman to take all the hurts and responsibilities.”
“Yan ang napakagandang ginawa ni Sharon s buhay mo ang mahalin ka ng anak mo ….”
“Papi new year na new year Yan ah.”
“What if kung ayaw talaga maging close ng dad sa anak?”
Mga reaksiyon ng mga netizen, huh!
Well, everybody knows naman si Gabby ay dating mister ni Megastar Sharon Cuneta at ang anak nila ay si KC Concepcion.
Maliban sa semi retired actress na si KC, may anak din naman si Gabby sa iba pa niyang mga naging karelasyon gaya nina Maria Grace Amagna Ibuna, Jenny Syquia, at misis na si Genevieve Yatco Gonzales, huh!
***
“BAGONG bihis po ang aming tahanan,” pagmamalaki ng premyadong host Boy Abunda sa televiewers na sumubaybay ng kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.”
“Kanina po ay binasbasan ang ating bagong set ni Fr. Vhen. Napakaganda po ng kanyang mensahe, he reminded us na ang amang Panginoong Hesus Kristo ay isang karpintero, who was proud of what he did.
“Sumasama raw ang batang Hesus habang gumagawa ang Kanyang ama. The message was love your job, and that’s exactly what we’re gonna do the whole year of 2025,” mahabang salasay ni Sir Boy
Ayon pa sa tinaguriang King of Talk ay hindi lamang daw ang set ng Fast Talk with Boy Abunda ang pinalitan dahil bago na rin ang dressing room ni Boy, huh!
Dalawampong minuto lamang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon ang Fast Talk with Boy Abunda.
At sa darating na Enero 23, 2025 ay dalawang taon nang umeere ang programa ni kuya Boy. Kumbaga, ang ikalawang taong anibersaryo sa telebisyon ay sa nabanggit na petsa.
Kaya naman bagay sa programa ang bagong set, huh!
Ayon sa source ay gumastos daw ang GMA na nagkahalaga ng kalahating milyong piso para sa bagong set na ito, huh!