Advertisers
Ni Noel Asinas
SHOWBIZ couple Dingdong Dantes and Marian Rivera ay parehong dumalo sa 37th Aliw Awards 2024 para saksihan ang pagtanggap ng panganay na anak na si Zia Dantes ng award para sa kategoryang, Aliw Breakthrough Child Performer of the Year. Ginanap ang awards night sa Fiesta Pavilion, Manila Hotel last Dec. 18, 2024.
Patunay ng award ni Zia na minana niya ang talent ng kanyang mga magulang sa pag-awit at pag-arte.
Regular program ni Dingdong sa GMA 7, Monday to Friday, ang Family Feud, 5:30-6:30pm, bago ang 24 Oras. Samantala, si Marian ay regular na mapapanood sa Kapuso Network tuwing Saturday sa drama anthology, Tadhana tuwing hapon.
***
Asia’s Soprano Diva Kathy Hipolito Mas, 37th Aliw Awards Best Female Classical Performer of the Year (2024).
TATLONG taong magkakasunod (2022, 2023 at 2024) na nakamit ni Kathy Mas sa Aliw Awards Foundation ang Best Female Classical Performer Of The Year. Mga karangalang hindi malilimutan ni Kathy sa kanyang singing career. Naganap ang event sa Fiesta Pavilion, Manila Hotel last December 18, 2024.
Nagsimula si Kathy bilang choir singer sa church sa Davao City. Habang nag-aaral ng kursong Nursing, hotel lounge singer si Kathy. Nursing board passer agad si Kathy pagkatapos ng graduation.
Taong 2007 nang naging pop recording artist si Kathy ng Galaxy Records. Nakagawa ng album si Kathy na karamihan ng awitin ay siya ang composer.
Taong 2018, pumalaot si Kathy bilang soprano singer. Tinahak niya ang linyang pop to classical performer. Hanggang ngayon singing genre ang kanyang ginagawa kapag may singing engagements tulad ng concert at corporate singing engagement.
Dahil sa singing engagements ni Kathy, naging finalist siya sa Battle of the Judges ng GM7. Pambato si Kathy ni Judge Boy Abunda.
May music training school si Kathy, ang 3DLifeHouse, kung saan nagtuturo siya ng free sa deserving students.