Advertisers

Advertisers

Apo niluray ni lolo sa halagang P100

0 16

Advertisers

KULONG ang 73-anyos na lolo nang gahasain ang dalagitang apo kapalit ng P100 sa Abellana, Cebu City.

Nakakulong ngayon sa Abellana Police Station 2, Cebu City Police Office ang salarin at nahaharap sa kasong ‘statutory rape’.

Sa report, 9:00 ng umaga ng Disyembre 30, 2024, pinasok ng lolo ang 11-anyos na apo sa loob ng silid nito at ginahasa.



Kuwento ng biktima, natutulog siya nang himasin ng kanyang lolo ang maselang bahagi ng kanyang katawan at binigyan siya ng P100 at sinabihang huwag itong maingay, at naisakatupar ng matanda ang makamundo nitong pagnanasa.

Hindi naman natakot ang biktima na magsumbong sa kanyang ina, dahilan ng pagkakadakip sa manyakis na matanda.

Isinailalim sa medical test ang biktima at positibong ginahasa ito ng kanyang lolo.