Advertisers
FRESH from my reliable source:
Isasampa raw ngayon ang 4th impeachment complaint laban kay Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.
Mas maraming kongresista raw ang mag-iindorso nito sa Kamara.
Ang naunang tatlong impeachment complaints ay isinampa ng mga abogado, religious groups, kabataan, at Makabayan block na pinamunuan nina France Castro, Raoul Manuel at Atty. Neri Colminares.
Hindi pa sinasabi kung sino-sinong kongresista ang mag-iindorso ng ikaapat na mga reklamo laban kay Inday Sara.
At may nilulutong ikalimang impeachment complaint pa raw na isasampa.
Abangan!
***
Hiniling ni Castro sa pamunuan ng Kamara, kay House Speaker Martin Romualdez, na aksiyunan na ang mga naunang impeachment complaints laban sa Bise Presidente na isinampa huling linggo ng Nobyembre at Disyembre 2024.
Nakadepende kasi sa mga kamay ni Spkr. Martin ang pag-usad ng proseso ng impeachment laban kay VP Sara, at kung umusad man ay nakasalalay naman ito sa mga kamay ng Senador na magsisilbing impeachment court.
Nauna nang hiniling ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. sa Kongreso na ibasura ang impeachment laban kay VP Sara. Waste of time at waste of taxpayers lang money daw kasi ito. Dahil hindi naman importante si VP Sara. Mas mahalaga raw na tutukan ang mga programa ng gobierno para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at kabuhayan ng mamamayan.
Tama naman rito si PBBM. Pero payag kaya si First Lady Liza na manatili pa sa puwesto si VP Sara matapos siyang babuyin at ang Pangulo na ka-tandem nito noong 2016 election? I doubt!!!
Pero si VP Sara ay pina-i-impeach dahil sa mga kasong pagtaksil sa Saligang Batas, brivery at corruption kaugnay ng pagwaldas sa P612.5 million confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) na dalawang taon din niyang pinamunuan.
***
Tatanggalin daw sa lineup ng Marcos party ang senatoriables na sina Pia Cayetano, Camille Villar at Imee Marcos. Kaya naman nasa panic mode raw ang tatlo.
Ang tatlong binibini kasing ito ay namamangka sa dalawang ilog, wala raw loyalty sa Marcos kundi sa Duterte parin. Oo nga! Hehehe…
Hindi rin naman kasi masisisi ang tatlong ito na mamangka sa kalabang tiket ng Marcos dahil malaki rin ang utang na loob nila sa Duterte.
Si Pia ay utol ni Sen. Alan na naging miembro ng Gabinete ni Duterte. Gayundin si Camille na sister ni Sen. Mark na naging kalihim din ng Duterte sa DPWH.
Si Imee naman, bagama’t ate ni PBBM, ay panay naman ang pagtatanggol sa Duterte kahit winawakwak na ang Pangulo. Tama lang talaga na ietsa puera siya sa party ng kanyang younger brother Bongbong.
At hindi kasi good sina Imee at FL Liza. Boom!!!
***
Nakatakda nang simulan ng Comelec ang pag-imprenta ng balota na gagamitin sa darating na election. 73 million daw ang iimprentahin, sabi ng Comelec Chairman George Garcia.
Wish natin na maging maayos ang gaganaping eleksyon at sana ay matoto nang pumili ng tamang kandidato ang mga botante. Ibasura na ang mga artista!