Advertisers
DINEPENSA ng Malakanyang ang layunin ng Executive Order No. 81 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa reorganization ng National Security Council (NSC).
Pahayag ni Executive Sec. Lucas Bersamin, ito ay para gawing mas episyente at epektibo ang membership ng NSC.
Ayon kay Bersamin, sa ngayon ay hindi ikinokonsiderang relevant ang bise presidente sa mga responsibilidad ng konseho.
“EO 81 s. 2024 is issued to reorganize and streamline the membership of the NSC. At the moment, the VP is not considered relevant to the responsibilities of membership in the NSC. Nonetheless, when the need arises, the EO reserves to the President the power to add members or advisers,” pahayag ni Bersamin.
Gayunpaman, may kapangyarihan naman aniya ang Pangulo na magdagdag ng mga miyembro at advisers kung kakailanganin.
Binalasa ni Pangulong Marcos Jr. ang mga miyembro ng National Security Council kung saan tinanggal ang bise-presidente at mga dating pangulo bilang mga miyembro nito.
Napag-alamang dati na ring nagkaroon ng mga pagbabago sa organisasyon ng NSC sa mga nakalipas na administrasyon partikular sa ilalim ng liderato nina dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo. (Vanz Fernandez)